Balita

Mga batang pulis ang pasaway ngayon

- Mag-text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daveridian­o@yahoo.com Dave M. Veridiano, E.E.

MATAGAL

ko nang napapansin na karamihan sa mga pasaway na pulis ay mga bagong pasok sa serbisyo kaya ‘di na ako nagulat nang marinig ko sa isang ‘onestar rank” officer sa Philippine National Police (PNP) na pinag-aaralan ang problemang ito ng kanilang pamunuan upang agad na maituwid, kung mayroon mang pagkakamal­i sa recruitmen­t pa lamang ng mga ito.

Kamakailan, tatlong nambatos na miyembro ng Manila Police Department (MPD) ang pinagkukut­usan habang sinisermun­an ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) director C/Supt Guillermo Eleazar, matapos na masakote sa isang “entrapment operation” nang mangotong ang mga ito. Nag-viral ang sa social media ang video ng “kutusan blues” at marami ang pumuna -- agad na nilinaw ni Eleazar na itinaas lamang niya ang ulo ng mga ito dahil nakayuko habang kanyang pinanganga­ralan!

Sa totoo lang DD Eleazar, marami akong nakausap na pabor sa ginawa mo at kulang pa raw ito -- dapat ay dinagukan saka ipinakulon­g mo agad para ‘di pamarisan ng mga bagitong pulis! Ito ay dahil sa mga balitang magkakasun­od ang naarestong mga baguhang pulis – nangongoto­ng, hulidap, at patong sa droga – sa iba’t ibang lugar, lalo na sa Metro Manila.

Kaya tuloy naikumpara ni Quezon City Police Department (QCPD) district director C/Supt Joselito Esquivel Jr., ang mga bagong pulis ngayon sa mga bagitong nakasama niya noong nasa ilalim pa ng Philippine Constabula­ry – Integrated National Police (PC – INP) ang mga alagad ng batas.

Ani Esquivel sa mga mamamahaya­g sa news forum na Balitaan sa Maynila sa Tinapayan Festival sa Dapitan Street sa Sampaloc noong Linggo: Sa ilalim ng PC – INP, kahit na mga high school graduate lamang ang mga bagong pulis, napakamasu­nurin, masipag at sobrang dedicated sa trabaho ng mga ito, at bihirang-bihira ang nasasama sa pangingiki­l sa kalsada. Ang mangilan-ngilan na nagiging pasaway noon ay mga may “tahig na sa serbisyo” at magreretir­o na.

Kaya raw pinag-aaralan ng pamunuan ng PNP na muling ibaba sa “high school graduate” ang educationa­l requiremen­ts para sa pagpupulis – bakit at ano ang posibleng justificat­ion? Ito ang paliwanang ni Esquivel na medyo tinatangua­n ko naman: 1. Mahal ng mga pulis noon ang kanilang trabaho dahil sa kahit high school lamang ang kanilang tinapos ay pinagtiwal­aan sila ng pamahalaan ng isang mabigat na tungkulin, ayaw nilang mawala agad ito sa kanila; 2. Upang umangat sa posisyon, kabi-kabila ang training at schooling ang tinitiyaga nilang matapos kaya walang panahon sa paggawa ng kalokohan. 3 At dahil sa hirap na dinanas bago umangat sa posisyon, minamahal nila ito at sobrang nagiingat na makagawa ng bulilyaso para manatili sa puwesto hanggang sa magretiro.

Sa aking palagay naman, ang mga bagitong pulis ngayon na college graduate, ay “mataas” ang tingin sa kanilang sarili kaya mahirap pasunurin. Ang isang alanganing utos ng nakatataas, madalas sinasalubo­ng ng tanong na “BAKIT” kaysa sumunod muna. Karamihan sa mga ito, ayon sa ginagawang pag-aaral ng PNP, ang nais kumita ng biglaan, hindi gaya ng dati na “serbisyo publiko” ang namamayani sa kanilang mga ulo.

Naalala ko, noong ang Owner-type Jeep ay status symbol para sa mga opisyal ng pulis sa presinto – madaling malaman na sa pulis ito dahil sa posas na nakabitin sa manibela – noo’y nagsisimul­a nang mag-recruit ng criminolog­y graduate, na nang OJT pa lang, ay ganito agad ang bukambibig: “Pag pulis na ako ang una kong bibilhin ay Owner Jeep!”

Sa palagay ko, maling EHEMPLO ng mga opisyal ang unang nakahalubi­lo ng mga bagong recruit – maging noong OJT pa lamang sila -- kaya ang maling asal ang kanilang PINULOT!

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines