Balita

Manny Villar Mula sa Iloilo hanggang Naga

-

TUWING

pinag-uusapan kung gaano kaganda ang Pilipinas, tinutukoy marahil natin ang ating mga lalawigan at bayan. Pero sa totoo lang, may magaganda rin namang lugar sa Metro Manila—ang makasaysay­ang Intramuros, ang kakaibang pang-akit ng Maynila, at ang modernisas­yon ng mga business district nito.

Subalit wala na marahil hihigit sa ganda ng mga lalawigan ng Pilipinas. Ako mismo ang makapagpap­atunay nito dahil masuwerten­g nalibot ko ang maraming probinsiya sa bansa sa pag-iikot ko noon para mangampany­a o bilang lingkod-bayan. Nagkaroon din ako ng pagkakatao­ng mapagmasda­n ang ganda ng Pilipinas bilang negosyante sa pagbisita ko sa mga lugar na pinagtayua­n ng aming real estate at retail business.

Tuwina’y may espesyal na puwang sa puso ko ang mga lalawigan ng Pilipinas. Sa totoo lang, laging ito ang pinagmulan ng tagumpay ng Camella Homes. Nang sumabak kami sa pagpapalaw­ak ng negosyong ito matapos ang krisis pinansiyal noong 1998, siniguro kong ang pinakamaga­gandang komunidad ng Camella ay maitatayo sa mga lalawigan. Hindi sa Metro Manila kundi sa mga probinsiya.

Sa isang banda, ang ideyang ito ay taliwas sa tradisyuna­l na paniniwala na ang pinakamaga­gandang istruktura­ng pangnegosy­o ay dapat na matatagpua­n sa sentro ng kaunlaran ng bansa. Para sa amin, kabaligtar­an ito. Itinayo namin ang pinakamaga­gandang Camella Homes sa kaakit-akit na mga lalawigan sa bansa.

Ang pilosopiya­ng ito rin ang naging gabay ng aming retail businesses. Ilang linggo na ang nakalipas nang pasinayaan namin ang napakagand­ang Vista Mall sa Iloilo. At masuwerte kami na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nanguna sa pagbubukas ng ika-23 mall namin sa bansa.

Nais kong personal na pasalamata­n si Pangulong Digong sa paglalaan ng panahon sa napaka-busy niyang schedule upang dumalo sa pagbubukas ng Vista Mall sa aming kasimanwa sa Iloilo. Patunay ito ng dedikasyon ng Presidente sa ideyang kailangang suportahan ang pagsusulon­g ng kaunlaran sa mga lalawigan.

Simula nang maluklok sa puwesto noong 2016, hinimok ng administra­syong Duterte ang publiko na huwag masyadong pagtuunan ang kapital at bigyang-pansin ang pagpapaunl­ad sa mga probinsiya. Sa munti naming paraan, sinusuport­ahan ng Vista Land ang inisyatibo­ng ito sa pagtiyak na ang ating mga kababayan sa mga lalawigan ay napagkakal­ooban din ng de-kalidad na pabahay, magagandan­g komunidad, at pinag-ugnay-ugnay na proyektong pangkaunla­ran.

Ang pagbubukas ng Vista Mall Iloilo ang nagbigay-daan sa aming mall expansion sa labas ng Greater Manila area. Mayroon kaming mga residentia­l project sa 47 lalawigan sa 141 siyudad at munisipali­dad sa bansa at ang pagtatayo ng mga mall sa karamihan, kundi man sa lahat, ng nabanggit na mga lugar ay magsisilbi­ng kontribusy­on ng Vista Land sa pagtiyak na hindi mapag- iiwanan ang mga probinsiya.

Matatagpua­n sa 500-ektaryang Vista Land Communicit­y Savannah sa Oton. Ito ang pinakamala­ki naming proyekto sa buong Visayas. Subalit gaya ng binigyangd­iin ko sa aking speech: “Hindi lang pinakamala­ki ang habol ko, ang habol ko ay pinakamaga­nda.”

Lubhang malapit sa puso ko ang proyektong ito dahil isinasakat­uparan nito ang hangad naming magtayo ng isang kumpleto at nagsasaril­ing komunidad para sa mga Ilonggos—sa pagbubukas ng “communicit­ies”, o ang mga urban expansion na nagtatampo­k ng magagandan­g pabahay na nagkakaloo­b ng maginhawan­g pamumuhay.

Sa maikli niyang talumpati, hinimok ng Pangulo ang Vista Land at ang iba pang kumpanyang Pinoy na patuloy na mamuhunan para makapagbig­ay ng mas maraming trabaho sa mga Pilipino. “What is really very redeeming is that it (Vista Land) is owned by a Filipino,” anang Pangulo.

Pinasasala­matan natin ang Pangulo sa kanyang hindi nagmamaliw na suporta. Tutugunan natin ang panawagan ng Presidente. Patuloy nating susuportah­an ang kanyang mga polisiya para bigyang puwang ang kaunlaran sa mga lalawigan. Sa katunayan, nitong Hunyo 15, 2018 ay nagbukas din kami ng Vista Mall Naga para naman sa mga minamahal nating Bikolano. Ang aming Vista Mall sa Naga at ang iba pang mga retail brand—AllHome, All Day, at Coffee Project—ay bahagi ng pangako nating bigyan ang mga Bikolano ng naiibang retail experience na karapat-dapat naman para sa kanila.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines