Balita

Alden, ‘di nakakahind­i sa fans

- Nora V. Calderon

ISA si Alden Richards sa mga artistang hindi namimili ng fans na lalapitan o gustong magpa-picture sa kanya. Pero nitong weekend ay dalawang fans ang pinasaya niya.

Naimbita si Alden sa opening ng biggest mall sa south, ang Megaworld Festive Walk Iloilo, last June 30, kasama ang iba pang celebritie­s. Pagdating pa lang niya sa Iloilo Internatio­nal Airport ay may lumapit na kaagad sa kanya, na kung puwede raw siyang ma-meet ng isang senior citizen na matiyagang naghihinta­y sa kanyang pagdating, dahil paborito nito ang Pambansang Bae.

Kaya naman sa halip na dumiretso sa hotel, pinuntahan muna ni Alden si Lola

Fabiola Paderes. Kagagaling lang ni Lola sa operation at naibsan daw ang iniindang sakit ng matanda nang mayakap si Alden.

Malapit talaga sa puso ni Alden ang mga lolo at lola, dahil kasama niya sa bahay ang lolo at lola niya. Last Sunday naman, after ng Sunday

PinaSaya ay hindi rin niya tinanggiha­n ang imbitasyon ng Kapuso Mo Jessica Soho para mameet ang fan niyang si Angelica Canubida.

Ayon kay Jessica Soho, inspirasyo­n daw ni Angelica si Alden para labanan ang nararamdam­ang lungkot dahil sa nangyari rito. Maganda si Angelica pero may diperensiy­a siya sa kaliwang pisngi, na lumaylay na at inabot na ng kalahating kilo ang bigat nito.

Gayunman, hindi ito nakapigil kay Angelica, na sa kabila ng kanyang kalagayan ay nakapagtap­os ng hotel and restaurant management. Humihingi siya ngayon ng tulong para maoperahan ang kanyang pisngi upang makapagtra­baho siya.

Ang saya ni Angelica nang ma-meet niya

ang paborito niyang actor-singer sa Studio 7 ng GMA, na naghintay sa pagdating niya since galing pa siya ng Davao. Sabi ni Angelica, guwapo na raw si Alden sa picture, pero mas guwapo raw sa personal ang binata. Pinayuhan pa siya ni Alden na lakasan ang kanyang loob, dahil kasama na sa buhay ang pagtatagum­pay sa gitnang mga pagsubok. Maraming nag- offer ng tulong kay Angelica, na malaki ang mgagastos dahil tatlong beses siyang dapat maoperahan bago tuluyang maayos ang kanyang pisngi.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines