Balita

Max Collins, impressive sa ‘Contessa’

- Nora V. Calderon

PAGKATAPOS maging isa sa mga palaban na loves ni Dennis Trillo sa romanticco­medy series na The One That Got Away, ibang Max Collins naman ang mapapanood ngayon bilang si Perfida sa afternoon prime drama series na Contessa.

Marami ang kaagad na nagtanong kung sino ang kakampihan ni Perfida between Contessa ( Glaiza de

Castro) at Daniella ( Lauren Young) . Maraming nainis nang sa unang eksena ni Perfida ay ipinakilal­a siya ni Daniella bilang bago nilang business partner ng inang si Charito ( Chanda

Romero), at magiging number one enemy ni Contessa. At sa una pa lang nilang pagkikita ni Contessa ay may sampalan scenes na agad.

Hindi ba siya nailang na sampalin si Glaiza?

“Medyo, pero part po iyon ng eksena kaya kailangan kong gawin. Nag-usap po naman kami ni Glaiza,” sagot ni Max. “Saka sagutan naman kami ng sampal. Gusto ko mga ganoong eksena na ang kasama ko mahuhusay na artista like Glaiza.”

Noong una ay maraming nagalit kay Max nang ang kampihan niya ay si Daniella. Pero nang makitang part pala iyon ng palabas nila ni Contessa ay ang daming nag-comment na nahusayan sila sa acting ni Max. May isa pang nagsabi na gusto niyang basagin ang TV niya kasi naiinis siya, ang galing ng acting ni Max. Kahit ang husband niyang si Pancho

Magno ay nagtanong kung totoo raw bang magaling ang misis niya?

Sa kuwento ni Perfida, akala raw niya ay hindi na siya makakagant­i sa mga Imperial dahil sa kasalanang ginawa ng mga ito sa kanya at sa kanyang pamilya. Nagpasalam­at siya kay Contessa na tinulungan siya para makabangon at makapaghig­anti. Kaya usapan muna nila ay magpapangg­ap siyang kakampi ng mga Imperial bago sila magpapakil­ala ni Contessa kung sino talaga si Perfida.

Thankful si Max na nakapag-guest siya sa pinag-uusapang top-rating show na Contessa. Siya man ay may bago ring teleserye na gagawin sa GMA 7 soon. Katatapos din lang ipalabas ang pinag-usapang movie nila ni

Atom Araullo, ang Citizen Jake.

 ??  ?? Max
Max

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines