Balita

Joe Jackson, inilibing na

-

INIHATID na sa kanyang himlayan si Joe Jackson nitong Lunes, ayon sa ulat ng Yahoo Celebrity.

Binigyang-pugay ang Jackson patriarch sa isang private service sa Forest Lawn Memorial Park sa Glendale, California, na dinaluhan ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan. Inihimlay si Joe sa sementeryo kung saan nakalibing ang anak niyang si Michael Jackson. Sa mga larawan na nakuha ng TMZ, nakuhanang nakasuot ng itim si Janet Jackson sa libing.

Hindi nawala sa libing ang mga anak at apo ni Joe — na karamihan ay nagpost ng tribute sa patriarch ng pamilya. Nagbahagi naman si

Jackie, panganay na anak ni Joe, ng larawan ng kanyang sarili at ng kanyang anak, sa Instagram, na nakasuot ng itim na suit.

Nag-share naman si Prince

Jackson, bunsong anak ni Michael, sa kanyang Instagram Story nitong Linggo na siya ay pabalik na ng Los Angeles.

Binawian ng buhay si Joe sa edad na 89 nitong Hunyo 27, sa sakit na cancer.

Kontrobers­iyal ang legacy na iniwan ni Joe. Ginawa ng architect ng Jackson 5, ang musical dynasty na inilunsad ni Joe, ang kanyang pamilya mula sa pagiging blue-collar patungong legendary. Gayunman, pisikal at mental niya umanong inabuso ang kanyang mga anak para maabot ang kasikatang tinatamasa ngayon. May kumplikado rin silang relasyon ng King of Pop.

Matatandaa­ng sinibak ng Thriller singer ang kanyang ama bilang kanyang manager at inalis ito sa kanyang will. Hindi naman eksaktong isiniwalat kung saan inilibing si Michael at si Joe.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines