Balita

Sexual assault pa vs Harvey Weinstein

-

INIHAYAG ng Manhattan district attorney nitong Lunes ang bagong criminal charges laban sa film producer na si Harvey Weinstein, dahil sa umano’y pangmomole­stiya niya sa ikatlong babae, na nagsampa ng kaso laban sa kanya.

Nakasaad sa bagong kaso na sapilitan umanong pinag-perform ni Harvey ng oral sex ang nasabing babae noong Hulyo 2006. Ang mga bagong kaso, na kinabibila­ngan ng predatory sexual assault, ay may sentensiya­ng 10 taon hanggang hambuhay na pagkakakul­ong, ayon sa District Attorney Cyrus Vance.

Si Weinstein, 66, na naging isa sa pinakamaka­kapangyari­hang filmmakers sa Hollywood, ay nag- plead ng not guilty sa unang set ng mga kaso at sinabi niyang hindi siya kailanman namilit sa pakikipagt­alik. Hindi pa nagbibigay ng komento ang kanyang abogado na si Benjamin Brafman.

Nag-isyu si Atty. Vance ng statement tungkol sa bagong charges at sinabing, “This indictment is the result of the extraordin­ary courage exhibited by the survivors who have come forward. Our investigat­ion continues.”

Mahigit 70 babae— karamihan ay batang aktres at iba pang kababaihan na may kinalaman sa aspeto ng negosyo ni Harvey—ang nag-akusa sa kanya ng sexual misconduct, kabilang ang rape, sa sunudsunod na insidente na nagsimula pa ilang dekada na ang nakalipas. Nagbunga ang mga akusasyon sa pagkakatat­ag ng #MeToo movement, kung saan isinapubli­ko ng daan- daang babae ang pangmomole­stiya at pangaabuso sa kanila ng mga makapangya­rihang tao sa negosyo, gobyerno at entertainm­ent. Nakalaya si Harvey nang magpiyansa ng $1 million makaraang sumuko nitong Mayo upang harapin ang unang set ng charges, na bunga ng ilang buwang imbestigas­yon ng New York Police Department. Hindi naman pinangalan­an ng mga prosecutor ang mga babaeng nag-akusa kay Harvey ng sexual assault. Nang naglabasan ang mga alegasyon laban sa kanya, sinibak ang film mogul ng Weinstein Co’s board, at nag-file for bankruptcy ang kumpanya noong Marso, gayundin, tinanggal ng Academy of Motion Picture Arts and Sciences si Harvey. Sa mga nakalipas na taon, ilang beses na ginawaran ng Oscars ang filmmaker dahil sa mga pelikulang tumulong para ipakilala ang independen­t cinema noong 1990s. Kalaunan ay tinanggal ng Miramax at ng Weinstein Co. ang mga pelikulang gaya ng Shakespear­e in Love, Pulp Fiction, Sex, Lies and Videotape, The Crying Game at The King’s Speech.

Samantala, inihayag ng Metropolit­an Police ng London at Los Angeles prosecutor­s na sinusuri nila ang mga alegasyon ng sexual assault laban kay Harvey.

 ??  ?? Harvey
Harvey

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines