Balita

‘Jurassic World 2’, ‘di natinag sa Top 1

-

SA taya ng mga studio nitong Linggo, tumabo ang blockbuste­r sequel ng Jurassic World ng karagdagan­g $60 million sa ikalawang linggo ng pagpapalab­as nito sa mga sinehan sa North America, kaya mayroon na itong domestic total na $264.8 million.

Bumaba naman sa 10 porsiyento ang ikalawang linggong kita ng pelikula kumpara sa unang linggo, at sa kabuuan ay nakalikom na ng $932.4 million, at papalapit na sa $1 billion mark.

Gayunman, hindi lang dinosaurs ang kumuha ng atensiyon nitong nakaraang linggo. Humataw ang Incredible­s 2, na ngayon ay nasa ikatlong linggo nito sa mga sinehan, sa kinitang $45.5 million, at mayroon nang domestic total na $439.7 million. Pasok din ito sa ikalawang puwesto. Lumagpas sa inaasahang bilang ng North American audiences ang nanood ng action thriller na Sicario: Day of the Soldado at Uncle Drew. Nasa ikatlong puwesto ang Sicario, na pinagbibid­ahan nina Josh Brolin at Benicio Del Toro at kumita ng $ 19 million. Iniulat na gumastos ang pelikula, distribute­d by Sony Pictures, ng $ 35-$ 40 million para mai- produce. Pumang-apat naman ang basketball comedy na Uncle Drew, na tinampukan nina NBA AllStars Kyrie Irving at Shaquille O’Neal.

Kasunod nito ang Indian film na Sanju, isang biopic tungkol sa Bollywood star na si Sanjay Dutt. Kumita ito ng nakagugula­t na $2.6 million sa 356 screens lamang sa opening weekend nito. Ipinapalab­as na rin ang Fred Rogers documentar­y na Won’t You

Be My Neighbor? sa 654 na screens, at nag-eexpand. Nadagdagan ang kita nito ng $2.3 million nitong nakaraang linggo.

Makalipas ang dalawang linggo ng $100 million plus movies, ay nagkaroon naman ng little blockbuste­r break para sa Ant-Man

and the Wasp, na nagsimulan­g ipalabas sa mga sinehan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines