Balita

Volleyball, lagapak ang request sa PSC

- Annie Abad

HUMINGI ng ayuda ang Larong Volleyball ng Pilipinas Inc. sa Philippine Sports Commission (PSC) para sa kanilang pangangail­angan sa 18th Asian Games sa Agosto 18 hanggang Setyembre 2 sa Palembang, Indonesia.

Ayon sa liham na may lagda ni LVPI acting president Peter Cayco, kailangan ng Women’s Volleyball team ang mga kagamitan gaya ng track suits, jackets at jogging pants, sapatos, shorts, t-shirt, knee pads, maleta at back pack.

Gayunman, malabong makuha ng LVPI ang kahilingan sa PSC, gayung ayon kay PSC commission­er Ramon Fernandez, may unliquidat­ed cash pa ang nasabing National Sports Associatio­n (NSA) na hindi pa naka klaro hanggang sa kasalukuya­n.

“LVPI has 2.5 plus Million unliquidat­ed yet,” ani Fernandez.

Matatandaa­n na kamakailan lamang ng magbigay ng kautusan ang Commission on Audit sa PSC na huwag bigyan ng suportang pinansyal ang mga NSAs na may ‘unliquidat­ed cash advance’ sa PSC.

Gayundin, hindi aprubadoa ng PSC ang pagkakasam­a ng women’s volleyball sa delegasyon bunsod nang kabiguan nitong makapasa sa ‘criteria’ sa pagpili ng mga atleta na isasama sa Asiad.

Sinabi ni Fernandez na kung nais ng Philippine Olympic Committee (POC) na abunuhan ang gastusin ng women’s volleyball at ibabalik na lamang ng PSC ang gastos kung makakapaso­k sa medal round ang koponan.

“They will be reimbursed, after liquidatio­n,” ayon kay Fernandez.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines