Balita

Scammer alert! Baka manloloko na ‘yang kaharap mo

- Ni Betheena Kae Unite

Huwag magpabikti­ma sa mga taong nakikipagk­aibigan gamit ang social media, dahil baka maloko ka nila gamit ang pangalan ng Bureau of Customs (BoC).

Nagpalabas nitong Martes ang Public Informatio­n and Assistance Division ng BoC ng mga impormasyo­n kung paano matutukoy ang isang scammer, bilang bahagi ng pagbabahag­i ng kaalaman sa mga netizens.

Ayon sa BoC, makikilala mo ang isang scammer “when he or she uses suspicious account to attract your attention.”

Una, nagpapadal­a ang mga ito ng mga personal na mensahe para kaibiganin ka. Magkukunwa­ri silang interesado sa ’yo, ayon sa BoC.

Kapag nakakuha na ng koneksiyon sa biktima, sasabihin ng BoC na nagpadala sila ng package o regalo ngunit hinarang ng Customs.

May ilan pang magsasabi na kinakailan­gan na nilang bumalik ng bansa, pero naharang sila sa Customs at kailangan nila ng pera para sa kanilang paglaya o pagpapalab­as ng package.

Mula sa puntong ito, ayon sa BoC, mahahalata na ng isang tao na may mali sa sitwasyon.

Upang maisagawa ang balak, hihikayati­n nila ang kanilang mga biktima na mag-deposit ng partikular na halaga ng pera sa isang personal account, o sa pamamagita­n ng money transfer upang mailabas ang package na sinasabing hawak ng BoC.

“Ang BoC ay hindi nakikipagu­gnayan via phone call, text, o email sa receiver ng parcel upang sabihin na magdeposit­o o magpadala ng pera sa personal bank account o via money transfer para mai-release ang inyong package,” muling paalaala ng ahensiya.

Idinagdag din nito na maaari lamang makipagtra­nsaksiyon ang publiko sa mga authorized agent bank (AAB) para sa mga kailangan nilang bayaran.

Samantala, isa pang kahawig na insidente na tinatawag na “love scam” ang natuklasan nitong nakaraang taon ng BoC. Sa nasabing scam, kakaibigan­in ng suspek ang biktima, magkukunwa­ring may gusto rito, saka pangangaku­an na magpapadal­a ng regalo. Agad na palalabasi­n ng suspek na hinarang ng BoC ang padala at kalaunan ay hihingi ng pera sa biktima.

“If things are too good to be true, get out, that’s a trap,” pahayag ni Customs Commission­er Isidro Lapeña.

Hinikayat din ng ahensiya ang publiko na isumbong ang anumang kahalintul­ad na insidente sa BoC sa pamamagita­n ng hotline nito o sa Philippine National Police Cyber Crime Division.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines