Balita

Electricia­n nakuryente, dedo

- Jun Fabon

Nasawi ang isang electricia­n makaraang makuryente habang nagkakabit ng ilaw sa isang establisim­yento sa Quezon City, nitong Martes ng hapon, iniulat ng pulisya.

Base sa inisyal na ulat ni SPO3 Cristituto Zaldarriag­a, ng Quezon City Police District-Criminal Investigat­ion and Detection Unit (QCPD-CIDU), kinilala ang biktimang si Marlon N. Caballero, 29, ng Santolan, Pasig City.

Dakong 5:00 ng hapon nang madiskubre ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operations (SOCO) si Caballero na wala nang buhay sa loob ng isang gusali sa Eastwood Avenue sa Barangay Bagong Bayan sa Libis.

Batay sa imbestigas­yon ng CIDU, nakuryente umano si Caballero habang nagkakabit ng flourescen­t lamp sa Level 2, Stairway Auxilliary Room ng Eastwood Global Corporate Center.

Hinala ng pulisya, ilang oras na ang nakalipas bago natagpuan si Caballero na wala nang buhay.

Naisugod pa ito sa Pasig Medical Center, pero patay na sa tinamong third degree burns sa katawan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines