Balita

Kagawad namatay sa spa

- Bella Gamotea JANSEN ROMERO

Sinisiyasa­t ng Parañaque City Police ang pagkamatay ng isang kagawad ng barangay, na natagpuang walang malay sa loob ng spa sa lungsod, iniulat ng Southern Police District (SPD) kahapon.

Dakong 2:30 ng madaling araw nang bawian ng buhay sa Ospital ng Parañaque si Wilfredo Dizon, nasa hustong gulang, at kagawad ng Barangay Bagong Tanyag, Taguig City.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, nadiskubre­ng walang malay ang biktima sa loob ng spa cubicle ng isang massage parlor sa Bgy. San Dionisio, Parañaque, bandang 2:00 ng madaling araw.

Kaagad na isinugod sa ospital si Dizon ng mga tauhan ng spa ngunit nalagutan ng hininga ang biktima habang nilalapata­n ng lunas.

Patuloy ang imbestigas­yon sa insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines