Balita

‘Holdaper’ arestado sa ice pick, droga

- Bella Gamotea

Nadakip ng Makati City Police ang isang umano’y holdaper makaraang biktimahin ang isang babae sa lungsod, nitong Martes ng gabi.

Nakakulong na si Bryan Ramos y Guerrero, 23, binata, ng 878 Villeza Street, Barangay Pitogo, Makati City.

Kinilala naman ang biktimang si Jackilyn Reyes y Delona, 23, dalaga, sales assistant representa­tive ng Zara, at nakatira saDasmariñ­as, Cavite City.

Sa ulat ng pulisya, nagsasagaw­a ng area monitoring sina PO2 Christophe­r Rosales at PO1 Norie Galit sa EstrellaPa­ntallon Bridge (Rockwell), Bgy. Guadalupe Viejo, sa naturang lungsod, dakong 10:30 ng gabi nang mapansing hinahabol ng isang babae ang isang lalaki, kaya niresponde­han nila ito at naaresto ang suspek.

Ayon sa biktima, naglalakad siya sa naturang tulay papuntang Mandaluyon­g nang biglang sumulpot ang suspek na armado ng patalim at sapilitang kinuha ang kanyang cell phone.

Kaagad namang tumakbo ang suspek na hinabol ng biktima habang nagsisigaw ng tulong.

Nakumpiska umano sa suspek ang isang ice pick na may anim hanggang 10 pulgadang haba, isang pakete ng umano’y shabu, at ang cell phone ng biktima.

Sasampahan si Ramos ng kasong paglabag sa Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165), robbery hold-up at illegal possession of deadly weapon sa Makati Prosecutor’s Office.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines