Balita

Pagpaslang sa Cebu lawyer, kinondena

- Beth Camia

Mariing kinondena kahapon ng Integrated Bar of the Philippine­s (IBP) ang pagpatay sa dating piskal sa Cebu City na si Atty. Salvador Soliman.

Sa isang pahayag na pirmado ni IBP national president Abdiel dan Elijah Fajardo, nanawagan ang grupo sa mga law enforcemen­t agency na lutasin kaagad ang kaso.

Idinahilan ng grupo, ang madalas na pag-target sa mga abogado, piskal at hukom ay nakaaapekt­o sa justice system ng bansa dahil sila ang mga sinasandig­an sa pagpapaira­l nito.

Giit ng IBP, walang lugar sa isang sibilisado­ng lipunan ang pagpatay at karahasan.

Ang mga abogado ay mga propesyuna­l at hindi dapat iniuugnay sa kanila ang mga krimen ng kanilang kliyente.

Sila umano ay nanumpa na itataguyod ang kapakanan ng kanilang mga kliyente nang malaya mula sa takot at panggigipi­t at alinsunod sa batas.

Taong 1998 nang nagretiro sa Department of Justice (DoJ), si Soliman ay pinagbabar­il sa loob ng kanyang bahay sa Cebu habang kasama ang kanyang misis na si Verosse, nitong Lunes ng gabi.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines