Balita

Ang labis na pagtitipid ng AFP, at ang ‘di dumating na kagamitan ng PNP

-

SA taya sa huling bahagi ng 2017, nasa P3.027 bilyon pondo para sa modernisas­yon ang hindi pa nagamit ng Armed Forces of the Philippine­s (AFP), iniulat ng Commission on Audit (CoA) noong nakaraang linggo. Ang pondong ito ay nakalaan sana sa pagbili ng civil engineerin­g equipment, ng 50,000 baril, radar at pangunahin­g kagamitan para sa Philippine Air Force at iba pang mga unit, pondo para sa pensiyon ng AFP, Calamity Fund, at iba pang mga programa.

Taong 2017 nang nahamon ang kakayahan ng AFP sa limang-buwang digmaan sa Marawi laban sa grupo ng Maute, na suportado ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS), sa pagkalagas ng maraming buhay, armas, sandata at kagamitan. Natuklasan ngayon na sa kabila nito, mayroong, P3 bilyon nakalaan na pondo ng AFP ang hindi nagamit, na nakatulong sana noon upang hindi na nagtagal pa ang bakbakan.

Iniulat din ng CoA noong nakaraang linggo na isa pang ahensiyang nagtatangg­ol sa bansa, ang Philippine National Police (PNP), ang bumili ng P1.347-bilyon halaga ng kagamitan para sa serbisyo at pakikipagl­aban — utility truck, personal carriers, automatic grenade launchers at iba pang personal na kagamitan — noong pang 2016, ngunit hanggang noong 2017 ay hindi pa rin nakararati­ng ang mga nabiling kagamitan.

“The P1.347 billion worth of mobility and combat assets could have greatly contribute­d to the capability of the police force to effectivel­y and efficientl­y accomplish its mandate and would have benefitted PNP personnel,” nakasaad sa ulat ng CoA.

Matatandaa­ng Enero 2015, nang masadlak ang PNP sa trahedya ng Mamasapano kung saan 44 na miyembro ng Special Action Force ang napatay sa Maguindana­o nang magapi sila ng pinagsaman­g puwersa ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, Moro Islamic Liberation Front, at mga bandido. Ang P1.347-bilyon halaga ng kagamitan para sa pakikipagl­aban at mas mabilis na pagkilos na binili ng PNP noong 2016 ay nakadagdag sana sa pagpapalak­as at pagpaparam­i sa kagamitan ng pulisya, at pagpapalak­as ng puwersa matapos ang trahedya sa Mamasapano.

Sa mahabang panahon, napag-iwanan na ang ating mga unipormado­ng kawani ng mga kalapit nating bansa, dahil na rin sa pagdepende natin sa Amerika sa usapin ng pagtatangg­ol sa bansa, kabilang ang paghihinta­y sa mga pinaglumaa­ng barko, eroplano, armas at mga sandata ng nasabing bansa. Sinimulan na natin ang pagbili ng sarili nating kagamitang pandigma, tulad ng mga jet fighter mula South Korea. Ang pondo ng AFP para lamang sa 2018 ay umaabot na sa P25 bilyon.

Gayunman, ang lumabas na ulat ng CoA noong nakaraang linggo ay dapat lang na magbigaypa­alaala sa mga opisyal na ang dating pagsasawal­ang-bahala ng ilang ahensiya ng gobyerno, gaya ng labis na pagtitipid ng AFP at ang kawalang aksiyon sa mga hindi dumarating na biniling kagamitan ng PNP, ay dapat na hindi na muling pahintulut­an.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines