Balita

Verdadero, asam ang YOG slots

- Annie Abad

UMUSAD sa semifinal round ang pambato ng Philippine Amateur Track and Field Associatio­n (PATAFA) at ang tinagurian­g ‘ Sprint King’ na si Veruel Verdadero sa 100m dash sa ginaganap na Asian Youth Olympic sa Songkhla Thailand.

Ang nasabing kompetisyo­n ay magsisilbi­ng qualifying round para sa nalalapit na Youth Olympic Games ( YOG) na gaganapin sa Buenos Aires sa Argentina sa Oktubre.

Kabilang sa mga bansang nakapasok sa semifinals ay ang Japan, Qatar, Indonesia, Malaysia at Thailand na kasalukuya­ng naglalaro upang malaman kung sino ang makakapaso­k sa finals na gaganapin Miyerkules ng gabi.

“Pipilitin ko po na makapasok, kasi first time ko po na sasali sa YOG if ever, kaya sisikapin ko po na manalo dito para makarating po sa Argentina,” pahayag ng 16-anyos na si Verdadero.

Kabilang si Verdadero sa mga batang pinarangal­an ng PSC- POC Media Group sa nakaraang Phoenix Siklab Awards na ginanap sa Century Park Hotel.

 ??  ?? SUPERCROSS: Nakatuon ang pansin kay motocross sensation Jerick Mitra (nakaupo, ikalawa sa kanan) sa pagratsada ng MMX Supercross Championsh­ip sa Hulyo 7-8 sa MX Messiah Fairground­s sa Taytay, Rizal. Sinamahan siya sa PSA Forum nina race organizer...
SUPERCROSS: Nakatuon ang pansin kay motocross sensation Jerick Mitra (nakaupo, ikalawa sa kanan) sa pagratsada ng MMX Supercross Championsh­ip sa Hulyo 7-8 sa MX Messiah Fairground­s sa Taytay, Rizal. Sinamahan siya sa PSA Forum nina race organizer...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines