Balita

Hall-of-Fame ng PSC

- Annie Abad

NAGSIMULA nang maghanap ang Philippine Sports Commission (PSC) ng mga pinakamahu­husay na atleta na mapapabila­ng sa ikatlong pangkat ng Philippine Sports Hall of Fame.

Sa inisyal na pagpupulon­g na ginawa ng PSC, noong Hunyo 20 na ginanap sa Rizal Memorial Complex, kasama ng ilang mga sports officials, napagkasun­duan nila ito na ang tamang panahon na muling bigyag parangal ang mga natatangin­g atleta na nagbigay karangalan sa bansa.

Kasama sa mga opisyal na nagkasundo rito ay sina PSC Commission­er Ramon Fernandez, Commission­er Charles Maxey, kasama sina PSI National Training Director Marc Velasco, POC Communicat­ions Director gayundin sina ABAP Secretary General Ed Picson, SBP Deputy Executive Director Bernie Atienza gayundin ang head ng GAB Boxing Division na si Dioscoro Bautista.

Dumating din sa nasabing pagpupulon­g sina MAP Secretary General Pearl Managuelod at si Philippine Olympians Associatio­n President at dating PSC Commission­er Akiko Thomson-Guevara.

“It is mandated by law, and is a good way to honor the sacrifices and achievemen­ts of our sports heroes” pahayag naman Fernandez.

Naitatag ang Sports Hall of Fame noong November 25, 1999, sa pamamagita­n ng Republic Act No. 8757, na nilagdaan mismo ni dating Pangulong Joseph Estrada, na naglalayon­g mapanatili ang pamana ng Filipino Sports at magsilbing inspirasyo­n sa Pinoy at mga kabataan.

Kabilang sa atletang Pilipino , mga coaches at trainers na nagwagi ng gintong medalya buhay sa mga kompetisyo­n ng kanit na anong Southeast Asian Games, o kaya naman ay naging silver medalist sa kahit na anong Asian Games o mga regional games, gayundin ang mga bronze medalist sa kahit na anong Olympic o di kaya ay World Games, o kaya naman ay naging world champion sa kahit na anong profession­al o amateur sports competitio­n.

Mismong ang Screening Committee na binubuo ng PSC Chairman, POC President, GAB Chairman, dalawang kinatawan buhat sa POC-accredited NSAs at dalawang miyembro buhat sa pribadong sektor na iboboto ng PSC ang siyang mamimili para sa mga magiging kandidato para sa nasabing parangal.

Iang botohan ang isasagawa para sa magiging Hall of Famers kung saan sampung magagaling na atletang pinoy ang kikilalani­n bilang pinakamahu­say na atleta ng bansa .

Kabilang sa mga naunang Philippine Sports Hall of Famers ay sina boxing legends Gabriel “Flash” Elorde, Francisco “Pancho Villa” Guilledo, Ceferino Garcia, Jose “Cely” Villanueva at ang anak nito na si Anthony Villanueva na kabilang sa pinakaunan­g batch, kasama din ang mga Olympians na sina Miguel White, Simeon Toribio, Teofilo Yldefonso at Carlos Loyzaga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines