Balita

66 nasawi sa AIDS noong Abril

- Mary Ann Santiago

Aabot sa 66 na katao ang iniulat ng Department of Health (DoH) na nasawi dahil sa HIV/AIDS infection noong Abril, 2018.

Ayon sa DoH, ang naturang bilang ng mga nasawi ay kabilang sa 924 na bagong pasyente ng HIV/AIDS na nakasaad sa April 2018 HIV/AIDS Registry of the Philippine­s (HARP).

Mas mataas ang bilang ng kaso ng naturang ng sakit noong Abril, kumpara sa 628 naitala ng DoH noong Abril ng nakaraang taon.

Sa kabuuang bilang ng mga bagong kaso ng sakit, 19 na porsiyento o 179 ang may clinical manifestat­ion na may advanced HIV infection o AIDS, at 66 na ang binawian ng buhay.

Nananatili­ng nangunguna­ng sanhi ng pagkahawa sa sakit ang pakikipagt­alik, na umabot na sa 905 kaso.

Sa bilang na ito, 774 na indibiduwa­l o 86% ang nasa ilalim ng kategoryan­g males having sex with males (MSM).

Labingtatl­ong kaso o 1% naman ng mga drug user ang nahawahan ng HIV/AIDS dahil sa pakikigami­t ng karayom ng iba sa pagtuturok ng ilegal na droga.

Isa naman ang tinamaan ng sakit dahil sa mother-to-child transmissi­on, habang lima ang hindi tukoy kung paano dinapuan ng sakit.

Sa National Capital Region may pinakamara­ming naitalang kaso sa 282, kasunod ang Calabarzon na mayroong 164 na kaso, Central Luzon na may 117, Central Visayas na may 71, Davao Region na mayroong 50 kaso, at Western Visayas na may 44 na kaso.

Iniulat din ng DoH na simula 1984 ay umabot na sa 54,332 ang HIV cases sa bansa.

Sa nasabing bilang, 5,700 ang nauwi sa full-blown AIDS at 2,598 na ang nasawi.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines