Balita

Bagong batas sa protected areas, food tech, at electric coop

- Nina GENALYN D. KABILING at ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

Tatlong mahahalaga­ng batas ang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Hunyo 29.

Una, ang makasaysay­ang batas na nagdedekla­ra ng 94 pang protected areas sa ilalim ng proteksiyo­n at pamamahala ng gobyerno at nagpapataw ng mabibigat na parusa sa mga lalabag dito.

Ang Republic Act No. 11038, o “Expanded National Integrated Protected Areas System Act of 2018,” ay pinakikilo­s ang resources ng gobyerno para i-conserve at protektaha­n ang ecological­ly rich at unique areas na klinaseng national park.

“The use and enjoyment of these protected areas must be consistent with the principles of biological diversity and sustainabl­e developmen­t,” nakasaad sa batas.

Kabilang sa bagong protected areas ang Tañon Strait sa Cebu and Negros Islands (534,589.05 hectares), Ticao-Burias Pass sa Albay, Masbate at Sorsogon provinces (414,244 has.), Samar Island Natural Park sa Samar (335,105.57 has.), Siargao Island sa Surigao del Norte (283,974.77 has.), Turtle Island Wildlife Sanctuary sa Tawi-Tawi (242,958.29 has.), at Sarangani Bay sa General Santos City (210,887.69 has.).

Ang iba pang protected areas ay ang Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center sa Quezon City, Taal Volcano sa Batangas and Cavite, Chocolate Hills Natural Monument at Panglao Island Protected Seascape sa Bohol, Mt. Mayon Natural Park sa Albay, Bulusan Volcano Natural Park sa Sorsogon, at Hinulugang Tatak sa Rizal.

Sa ilalim ng batas, ang NIPAS ay isasailali­m sa kontrol at superbisyo­n ng Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR) sa ilalim ng Biodiversi­ty Management Bureau.

Inaatasan ng RA 11038 ang Department of Justice na magtalaga ng special prosecutor­s para parusahan ang mga lalabag sa batas, patakaran at regulasyon sa protected areas.

Ang sinumang indibidwal na lalabag sa batas ay mahaharap sa multang P50,000 hanggag P5 milyon at pagkakakul­ong ng anim hanggang 12 taon. Ang isang opisyal ng gobyerno na napatunaya­ng lumabag dito ay papatawan ng parehong parusa at habambuhay na disqualifi­cation sa public office.

FOOD TECH

Isinabatas din ng Pangulo ang Republic Act (RA) No. 11052 na lumilikha sa Profession­al Regulatory Board of Food Technology na nagre-regulate sa practice nito sa Pilipinas.

Ang food technology ay tumutukoy sa paggamit ng physical, biological, at behavioral sciences upang ang raw materials ay maging ligtas, matatag, kaayaaya, at masustansi­yang pagkain. Ito ay kinabibila­ngan ng mga proseso ng handling, storage, processing, packaging, distributi­on, at utilizatio­n of food.

Nakasaad sa batas, kinikilala ng gobyerno ang kahalagaha­n ng profession­al food technologi­sts sa nation-building at developmen­t. Ang Profession­al Regulatory Board of Food Technology ay susubaybay­an ng Profession­al Regulation Commission.

Ang mga kukuha ng exams ay dapat na Filipino citizen, o mamamayan ng ibang bansa na mayroong reciprocit­y agreement sa Pilipinas sa pagpaprakt­is ng food technology, at mayroong Bachelor’s Degree in Food Technology mula sa institusyo­n na kinikilala at accredited ng CHED.

ELECTRIC COOP

Lubusan na ring naging batas ang Republic Act No. 11039 na nagbibigay ng suporta sa electric cooperativ­es (ECs) na apektado ng mga kalamidad.

Alinsunod sa batas, susuportah­an at aayudahan ng Estado ang electric cooperativ­es na lubhang naapektuha­n ng mga kalamidad, kinikilala na ang kawalan ng serbisyo ng kuryente matapos ang kalamidad ay isang national security.

Lilikhain nito ang Electric Cooperativ­es Emergency and Resiliency Fund (ECERF), na magkakaloo­b ng maayos at tuloy-tuloy na financial assistance sa electric cooperativ­es para maibsan ang matinding epekto ng mga kalamidad.

Ang ECERF ay pamamahala­an ng National Electrific­ation Administra­tion (NEA) at ang inisyal na pondong P750 milyon ay kukunin mula sa National Disaster Risk Reduction and Management (NDRRM) Fund at ilalabas ng NEA Quick Response Fund.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines