Balita

Bangka lumubog, 29 nalunod

-

JAKARTA (Reuters) – Nalunod ang 29 na katao matapos lumubog ang isang ferry malapit sa Sulawesi island ng Indonesia, sinabi ng mga opisyal kahapon, habang pinaghahan­ap ng rescue teams ang dosedosena­ng nawawalang pasahero.

Nangyari ito ilang linggo matapos isang overcrowde­d ferry ang lumubog sa Lake Toba, isa sa pinakamala­lim na volcanic lakes sa mundo, na ikinamatay ng mahigit 200 katao.

Sinabi ng regional disaster mitigation agency na 29 katao ang kumpirmado­ng namatay sa insidente nitong Martes at 41 ang nawawala pa rin. May 69 na pasahero ang nasagip.

Sakay ng ferry ang hindi pa mabatid na bilang ng mga sasakyan nang ito ay unti-unting pinasok ng tubig ay lumubog. Malapit na sa dalampasig­an ang bangka, at idiniretso ito ng captain sa isang bahura para mapadali ang rescue.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines