Balita

Anak ng IS leader, nautas sa Syria

-

BEIRUT (AFP) – Napatay si Hudhayfah al-Badri, anak ng lider ng grupong Islamic State na si Abu Bakr al-Baghdadi, sa pagatake ng mga jihadist sa probinsiya ng Homs sa central Syria, ipinahayag ng IS propaganda agency na Amaq.

Nautas si Al-Badri sa ‘’operation against the Nussayriyy­ah and the Russians at the thermal power station in Homs,’’ sinabi ng grupo sa pahayag na may kasamang litrato ng isang binata na may hawak na assault rifle.

Ang Nussayriyy­ah ay terminong ginagamit ng IS para sa Alawite religious minority sect ni President Bashar al-Assad.

Nagmula sa Iraq, si Baghdadi ay binansagan­g ‘’most wanted man on the planet’’ at nag-aalok ang United States ng $25 milyon para sa ikahuhuli niya. Mayroon siyang apat na anak sa una niyang asawa at isang anak na lalaki sa kanyang pangalawan­g asawa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines