Balita

Ayuda sa nasunugan

- Jun Fabon

Mahigpit ang direktiba ni Quezon City Fire Marshal Sr. Supt. Manuel M. Manuel sa mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) hinggil sa kampanya laban sa sunog sa lungsod.

Kasabay ito ng positibong programa ng Quezon City Social Services Developmen­t Department (QCSSDD) na pagkalooba­n ng tulong pinansiyal ang pamilyang nasunugan.

Inatasan ni Mayor Herbert Bautista ang QCSSDD na ayudahan ang 468 pamilyang nasunugan sa Barangay Pansol, Tatalon, at Obrero. Tumanggap ng P2,000 ang mga pamilya na may-ari ng bahay, at P1,000 naman sa mga nangungupa­han.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines