Balita

Bisor utas sa Laguna ambush

- Danny J. Estacio

ALAMINOS, Laguna - Tinambanga­n at napatay ang isang 23-anyos na sales supervisor ng gaming corporatio­n, matapos itong pagbabaril­in ng hindi pa nakikilala­ng salarin sa Barangay Poblacion 3, Alaminos, Laguna, nitong Martes ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang si Jaypee Bunyi, 23, may asawa, nag-o-operate ng small town lottery, at taga-Bgy. Del Carmen na bayang ito.

Binabagtas ng biktima ang barangay road sakay sa motorsiklo at pagsapit na madilim na bahagi ay huminto ito dahil may nakaharang na mga palapa ng niyog, dakong 9:30 ng gabi. Bigla na lamang itong pinagbabar­il ito ng isang hindi nakilalang lalaki. Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na sanhi ng pagkasawi nito.

Apat na basyo ng .45 caliber pistol ang narekober ng pulisya, na nagsasagaw­a na ng imbestigas­yon upang matukoy ang suspek at motibo sa pamamaslan­g.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines