Balita

Nasa watch list, dedo sa shootout

- Lyka Manalo

LOBO, Batangas - Patay ang isang suspek sa pagtutulak ng droga, na kabilang din sa drug watch list ng pulisya, matapos umanong makipagbar­ilan sa mga awtoridad sa Lobo, Batangas, nitong Martes ng gabi.

Naiulat ng Batangas Police Provincial Office na kinilala ang napatay na si Ronald Reyes, ng Barangay Poblacion, Lobo.

Nagsagawa ng buy-bust operation ang grupo ni Senior Insp. Rhyan Olave, hepe ng pulisya, sa Bgy. Poblacion, dakong 8:20 ng gabi.

Bigla umanong bumunot ng baril at nanlaban ang suspek nang mahalata na mga pulis ang katransaks­iyon nito. Isinugod sa Lobo Municipal Hospital si Reyes ngunit dead on arrival ito. Narekober ng pulisya sa lugar ng krimen ang isang .45 caliber pistol at dalawang sachet ng hinihinala­ng shabu.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines