Balita

Manukan sa Pangasinan, pineste

- Beth Camia

Naalarma ngayon ang ilang poultry owner sa Pangasinan kasunod ng pagdami ng manok na namamatay sa bayan ng Mangaldan.

Nilinaw ni Merly Cusion, Mangaldan municipal agricultur­ist, na umabot na sa 150 manok ang nagpositib­o sa Newcastle’s Disease sa Barangay Guesang matapos sumailalim sa pagaaral ng Department of Agricultur­e (DA) ang samples na kanilang ipinadala sa kalapit na bayan ng Sta. Barbara.

Sa monitoring ng tanggapan, pawang alagang manok ng magkakatab­ing pamilya ang nangamatay.

Patuloy pa rin ang pag-iikot ng mga awtoridad sa bawat poultry raiser upang magpaalala na mag-disinfect na nang maiwasan ang bagong kaso.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines