Balita

Ginang, hinalay sa harap ng anak

- Leandro Alborote

STA. IGNACIA, Tarlac - Tinutugis ng pulisya ang isang magsasaka na humalay sa 19-anyos na ginang sa harap mismo ng isang taong gulang na anak nito Barangay Sotero, Sta. Ignacia, Tarlac, nitong Martes ng umaga.

Ang rape suspect ay nakilala ng pulisya na si Allan Sotero Reyes, may asawa, ng nasabing lugar.

Nagpapahin­ga umano ang ginang sa sala ng kanyang bahay nang pasukin at halayin ng suspek sa harap ng anak nito.

Inihahanda na ang kasong rape laban sa suspek na kaagad na tumakas matapos ang insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines