Balita

Sanggol itinapon

- Leandro Alborote

MAYANTOC, Tarlac - Nahaharap ngayon sa kaso ang isang ama nang itapon niya ang namatay niyang sanggol sa Barangay Gossood, Mayantoc, Tarlac, nitong Lunes ng hapon.

Sa report ng pulisya, ang suspek ay nakilalang si Rocky Narong, ng Barangay Nambalan, Mayantoc, na tinutugis na ng mga tauhan ng Mayantoc Police.

Naiulat na na ipinangana­k ng asawang si Marilou ang nasabing sanggol sa Tarlac Provincial Hospital.

Ngunit, namatay ang bata dahil premature ito. Ipinagkati­wala na lang ng doktor ang sanggol sa suspek upang maipalibin­g nang maayos, pero nagtungo si Narong sa barangay road ng Gossood at iniwan doon ang sanggol.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines