Balita

Jung Hae-in, nakisaya sa unang Manila fan meet

-

PINAKILIG ng Korean star na si Jung Hae-in ang puso ng kababaihan nang gumanap siyang boyfriend ng babaeng mas matanda sa kanya sa hit drama na Something

in the Rain. Salamat sa project, siya at ang kanyang leading lady na si Son Ye-jin ay naging instant star at si Jung Hae-in ay naging isa na sa hottest Korean actors.

Nagkaroon naman ng pagkakatao­ng makasalamu­ha ni Jung Hae- in ang kanyang Pinoy fans sa kanyang unang fan meeting na may title na Smile, sa KIA Theatre kamakailan. The day before that, nakipag-usap si Jung Hae-in sa Bulletin

Entertainm­ent sa Marco Polo Ortigas hotel. Ang kanyang schedule ay hectic sa ngayon ngunit kapag tinatrabah­o niya ang mga proyekto gaya ng TV dramas, “most of the time I want to watch the movies and dramas I wasn’t able to watch, work out with my buddies and I also spend time with my loved ones.”

Halata namang nag- paid off ang kanyang mga pinagdaana­ng workout sa gym dahil kitang-kita ang kanyang great physique sa Something in the Rain. Ngunit sa kabila ng pagkakaroo­n ng mgandang pangangata­wan, ikinokonsi­dera niya na ang pinaka-sexy at attractive sa kanya ay ang kanyang mga mata.

Dahil nabigyan siya ng isang araw para makasaluha ang fans, nais ni Jung Hae-in na pumunta sa Bohol kasama sila.

“I just want to feel the nature right here, like in resting esting spots like Bohol,” sabi niya.

Nagsimula mula si Jung Haein sa drama ma na Bride Of The Century ry noong 2014. 4 Jung Hae-in Ang kanyang iba pang TV dramas ay ang Blood, Yeah, That’s the Way It Is, Night Light, While You

Were Sleeping at Prison Playbook. Sa Manila fan meeting, ipinakita niya ang kanyang charms at kumanta rin siya.

“Kamusta? Masaya akong makita kayo,” bati niya sa fans.

Bibo rin niyang sinagot ang mga tanong ng fans, nakipaglar­o sa mga ito at pumayag din siyang magpakuha ng litrato kasama ang fans. Gayundin, binigyan niya ang ilang masuwerten­g tagahanga ng kanyang mga personal na gamit.

Maraming nakalatag na plano si Jung Hae-in para sa nalalabi pang mga buwan ng taon.

“There are a few fan meetings left and I’m also planning for a fan site and I’ll be also in a movie or drama,” aniya. Dinala ng CDM Entertainm­ent at FNC Entertainm­ent ang Smile fan meeting ni Jung Hae-in sa Manila.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines