Balita

BONGGO

- R.V. VILLANUEVA

Ika-57 labas

NAKUMPIRMA ng mag-asawang Bening at Dalmacio na ang kinatataku­tan ng lahat na bonggo ang nagbigay nga kay Klaret ng kakaibang dahon na nakita nila sa tabi ng higaan ng anak.

“Totoo, anak?” Hindi makapaniwa­lang tanong ni Aling Bening sa anak na may diperensya sa pag-iisip. “Hindi ka nagbibiro?”

“Hindi po, inay,” sagot ni Klaret. “Totoo pong nawala agad ang sakit ng tiyan ko matapos nguyain ang mga dahong ‘yan at lunukingka­sama ang katas!”

“Paano raw nalaman ng lalaking madalas mong bisita ang pagsakit ng tiyan mo?” Tanong uli ni Aling Bening.

“Ibinulong daw po ng hangin,” sagot ni Klaret. “Sabi niya kahit malayo ako sa kaniya malalaman niya ang nangyayari sa akin at sa aming anak dahil ibubulong ng hangin!”

“Anak, ano raw ang tawag sa dahong ito at saan ito nanggaling?” Tanong naman ni Mang Dalmacio.

“Hindi po sinabi ng lalaking laging bumibista kung ano ang tawag sa kahoy na pinagmulan ng dahong ‘yan at hindi rin sinabi kung saang gubat nagmula,” sagot ni Klaret.

“Gagamitin mo pa bang panggamot ang mga dahong natira?” Tanong ni Aling Bening.

“Opo inay,” sagot ni Klaret. “Bilin ng lalaking laging bumibisita sa akin na ubusin kong nguyain ang mga dahong ‘yan at lunukin ang katas para tuluyang gumaling ang pananakit ng aking tiyan!”

“Sige anak, sundin mo ang utos ng ama ng iyong anak,” wika ni Aling Bening. “Tiyak na mabisang gamot ang mga dahong ito kaya agad dinala ng bonggo ng malamang sumasakit ang tiyan mo!”

Dahil nalaman na ang nais malaman sa anak na may diperensya sa pag-iisip sa kakaibang dahong nagtapuan sa kawayang papag ni Klaret, ipinagpatu­loy nila Mang Dalmacio at Aling Bening ang pagkain ng almusal. Dahil nahuli pagdulog sa mesa, patuloy na hinigop ni Klaret ang mainit na salabat para malamnan ang tiyan na nakasanaya­n niya tuwing umaga. Matapos mahigop ang salabat, sinimulan naman ng dalagang may diperensya sa pag-iisip ang pagkain ng nilagang saging na saba bilang almusal. Kahit tapos na sa pagkain ng almusal sila Mang Dalmacio at Aling Bening, nanatili sa mesa para samahan ang anak sa pag-aalmusal. Lihim, nais ding tiyaking nila Mang Dalmacio at Aling Bening sa pananatili sa mesa na mangunguya ng anak ang kakaibang dahon at malulunok ang katas. Ibig nilang tiyaking hindi malilimuta­n ni Klaret ang bilin ng ama ng sanggol na bonggo.Labis na nasiyahan sila Mang Dalmacio at Aling Beningdahi­l matapos mag-almusal, dinampot ni Klaret ang mga kakaibang dahong nakapatong sa mesang kawayan.

“Ngunguyain ko na ho ang mga dahong gamot,” wika ni Klaret. “Kailangan kong malunok ang katas ng mga dahong ito para tuluyang gumaling ang pananakit ng tiyan ko!”

‘Sige, anak, gawin mo na ang sinabi ng ama ng iyong anak,” sagot ni Mang Dalmacio.“Kailangang gumaling ng tuluyan ang pananakit ng iyong tiyan para hindi maapektuha­n ang iyong anak!”

“Anak, huhugasan ko muna ang mga dahon bago mo nguyain at lunukin ang katas,” suhestiyon ni Aling Bening.

“Hindi na’po,” sagot ni Klaret. “Sabi ng lalaking laging bumibisita sa akin at nagdadala sa damuhan, malinis na ang mga dahong ito kaya puwede ko ng nguyain at lunukin ang katas!”

Sa sumunod na mga sandali, naging abala si Klaret sa kakaibang dahong ibinigay ng lalaking lagi niyang bisita at nagdadala sa kaniya sa damuhan para angkinin na walang iba kung hindi ang nilikhang bonggo. Nilikha mula sa daigdig ng kababalagh­ang naniniraha­n sa bung-aw na malapit sa bahay nila Mang Dalmacio at Aling Bening na ama ng sanggol na ipinagbubu­ntis ni Klaret na binalak patayin nila Tandang Egle at Tandang Goring sa pagpapaino­m ng mabagsik na gamot na pampaagas. Gamot na kahit ginawang higit na mabisa ng albularya at manghihilo­t para tiyaking maaagas ang sanggol sa tiyan ng dalagang may diperensya sa pag-iisip, hindi natupad dahil kinontra ng nilikhang bonggo sa pamamagita­n ng kakaibang dahon. Matapos nguyain ang mga kakaibang dahon, nilunok ito ni Klaret kasama ang katas para masunod ang mahigit na tagubilin ng nilikhang bonggo na ama ng sanggol niyang dinadala sa sinapupuna­n. Sanggol na dahil sa kakaibang dahon, tiyak na hindi maaagas ng mabagsik na gamot na pampalagla­g na ipinainom ni Tandang Egle.

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines