Balita

Duterte: Walang rifle sa SONA

- Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

Sinabi ni Pangulong Duterte na nais niyang ipamalas ng militar at ng pulis ang maximum tolerance laban sa mga raliyista sa ikatlo niyang State of the Nation Address ( SONA) sa Hulyo 23.

Ito ang ipinahayag ni Duterte sa gitna ng mga kritisismo laban sa kanyang administra­syon, partikular na ang kurapsiyon sa gobyerno, at sa kanyang pahayag laban sa kababaihan.

Sa isang talumpati sa Davao City, sinabi ng Pangulo na ipamalas ng pulis at militar ang maximum tolerance at hanggat maaari, mga panangga at baton lamang ang gamitin sa SONA.

“I will tell the military and the police, exercise the maximum tolerance, umatras kayo nang umatras, ‘ wag ninyo silang salubungin, paatras kayo nang paatras,” sabi ni Duterte, nitong Biyernes ng gabi.

“But as much as possible, I do not want to see any rifle, anything there except your baton and your shield. And you have to --- the sacrifice, duraan ka diyan, pati ‘yung mga foreigners sumasabi ng mura sa inyo, hayaan mo sila,” dagdag niya.

“But I’m not asking you to die. Just retreat and retreat, and retreat, hanggang mahulog kayo sa Pasig River,” pabiro ng Pangulo.

Ayon kay Duterte, marami na siyang pagbabago na ipinatupad sa pamahalaan ngunit ang mga tao, lalo na ang kababaihan, ay magpoprote­sta pa rin sa Batasan Pambansa upang ipahayag ang kanilang hinaing.

“I have done so many changes in our government. But corruption remains to be a problem,” sabi niya.

“And if there are so many wise girls there, women, and itong mga opposition na mag-rally, of course you can go to rallies. Air your grievance. That is a constituti­onal guarantee,” dagdag niya.

“Do not be afraid. ‘Yung antiDutert­e, lahat ng pari, bishop. Ah, lahat kayo, sige,” patuloy ng Pangulo.

Sinabi rin ng Pangulo na maari niyang suspendehi­n ang klase at trabaho gaya ng ginawa niya noong Setyembre 21, 2018.

“Seek redress, shout on the streets. Gusto ko nga magpista kayong lahat. I will declare the next two days as bakasyon time so that all the people can go there during the SONA address at mag-demonstrat­e kayo doon (and demonstrat­e there),” sabi ng Pangulo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines