Balita

40 biktima ng recruiter, nasagip

APAT NA BUWAN IKINULONG SA CAS

- Hans Amancio

Nailigtas ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang halos 40 na babaeng menor de edad na biktima ng isang illegal recruiter, nang salakayin ang isang bahay na pinagkulun­gan sa mga ito na ikinaarest­o ng isang caretaker sa San Andres Bukid, Maynila, nitong Biyernes.

Ayon kay Senior Insp. Jake Serrano Arcilla, ng MPD-General Assignment Investigat­ion Section (GAIS), nadiskubre nila ang mga biktima na pawang ikinulong sa isang bahay sa No. 1410 4th Street, Fabie Estate Subdivisio­n, sa Ermita, dakong 11:00 ng gabi.

Natunton ang lugar nang magsumbong sa pulisya ang apat na menor de edad na nakatakas sa lugar.

Ayon kay Arcilla, natuklasan nila sa imbestigas­yon na ang mga biktima ay ni-recruit ng isang Edlyn Abiera upang magtrabaho sa Saudi Arabia bilang mga domestic helper (DH) at pinangakua­n sila ng suweldong US$400.

Inatasan umano silang magreport sa “I Employed Manpower Agency” sa Padre Faura St., sa Ermita. Ngunit, matapos ang paunang proseso ng kanilang papeles ay dinala sila sa nabanggit na bahay na sinasabing pag-aari ng isang “Madam Eva” na unano’y isang Arabian, kung saan nadatnan din nila ang 34 pang aplikante.

Sa pahayag ng mga biktima, kinumpiska ang kanilang cell phone, binawalan din silang tumawag sa kanilang kaanak at hindi rin pinapalaba­s ang mga ito sa lugar kung hindi sasamahan ng caretaker na si Neni Dumanon, na dinakip ng mga pulis sa pagsalakay.

Pinaghahan­ap na ngayon si Abiera upang papanaguti­n sa kaso.

Pansamanta­la namang dinala sa Manila-Department of Social Welfare and Developmen­t (DSWD) ang mga biktima, habang inihahanda ang kaso laban kay Dumanon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines