Balita

2 ‘tulak’, 4 na adik tiklo

- Orly L. Barcala at Bella Gamotea

Isang umanong drug pusher at apat na adik ang inaresto sa antidrug operation sa Valenzuela City at Taguig City, nitong Biyernes at kahapon.

Kinilala ni Chief Inspector Jowilouie Bilaro, head ng Station Drug Enforcemen­t Unit ( SDEU), ang mga inaresto na sina Grace Raquiza, alyas Dakta, 32; Michael Borromeo, alyas Iking, 29, kapwa taga-No. 693 Libis, Baesa, Caloocan City; Joemar Blanco, 48, ng Francisco Compound, Gen. T. De Leon, Valenzuela City; George Pelagio, 40, ng No. 96 F. Bautista St., Barangay Marulas; at Ben Alvario, 43, ng No. 31 Pinagpala St., Serrano Subd., Marulas, Valenzuela City.

Nagsagawa ng anti-illegal drugs operation ang mga tauhan ng SDEU sa San Gregorio St., Gen. T. De Leon, bandang 2:00 ng hapon.

Target sa operasyon ang mga drug personalit­y na tumatawid papuntang Bgy. 160, Libis, Caloocan City para umiskor ng shabu.

Nang makabili ng shabu ang apat na adik, agad dinakma ng mga pulis si Raquiza.

Nahuli sa pag-iingat ni Raquiza ang pitong pakete ng umano’y shabu at marked money.

Ikinulong din ang isa pa umanong drug pusher nang matiklo ito habang nagbebenta ng shabu sa Taguig City, kahapon.

Ang suspek ay si Ralph Prado, 26, ng Bgy. Sitio De Asis, Parañaque City.

Nagpapatru­lya ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 3-Tanyag ng naturang lungsod nang mamataan nila ang suspek na nagbebenta ng shabu sa isang lalaki sa Sta. Theresa Compound sa Bgy. North Daang Hari Railways, dakong 1:00 ng madaling araw, kung saan ito dinakip.

Kasong paglabag sa RA 9165 ang kinakahara­p ng mga ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines