Balita

Australian, 1 pa laglag sa buy-bust

HIGH VALUE TARGET, NO. 3 WANTED

- Jun Fabon

Hindi nakapalag ang high value target na Australian sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) sa Iligan City, habang bumagsak din sa kamay ng ahensiya ang No. 3 drug personalit­y sa Davao Occidental, kinumpirma kahapon ni PDEA Director General Aaron N. Aquino.

Kinilala ang suspek na dayuhan na si Mark Andrew Jones, 57, ng Dona Maria Subdivisio­n, Phase 5 Tipanoy, Iligan City, Lanao del Norte.

Base sa report, hindi na nakapalag si Jones sa buy-bust operation ng mga elemento ng PDEA RO10, sa pamumuno ni Dir. Wilkins Villanueva, sa naturang subdibisyo­n sa Iligan City, dakong 9:00 ng gabi kamakalawa.

Nasamsam kay Jones ang apat na pakete ng umano’y shabu, na may bigat na 6.2496 gramo; isang Suzuki Gixxer 150 (KC 66997); at buy-bust money.

Samantala, nasukol din PDEA – ROX1 ang No. 3 drug personalit­y sa Davao Occidental sa anti-narcotics operation sa naturang lalawigan, dakong 6:00 ng gabi.

Kinilala ng PDEA ang suspek na si Jestoni Guihapon Sabaane, 30, na inaresto sa kanyang bahay sa Lower Fatima, Poblacion Sta. Maria, Davao Occidental.

Nakumpiska kay Guihapon ang 500 gramo ng marijuana, na nagkakahal­aga ng P3,000; maliliit na pakete ng 10 gramo ng marijuana; isang Yamaha YTX 125 motorcycle; at buy-bust money.

Nakapiit ang mga suspek sa PDEA–RO X at PDEA RO X1 at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines