Balita

Protektaha­n ang kalikasan —‘Tayo ang Kalikasan’

-

INILUNSAD ng Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR) ngayong linggo ang kilusang “Tayo ang Kalikasan” sa Mindanao, na layuning mapagtipun-tipon ang mga mamamayan upang suportahan ang proteksiyo­n at responsabl­eng paggamit sa mga likas na yaman ng bansa.

Una nang inilunsad ang pambansang kilusan sa Laoag, sa may Hilagang Luzon, nitong Abril matapos ang taunang pagdiriwan­g ng Earth Day kung saan sinuyod ng mga kalahok ang mga tabing dagat at nakalikom ng tambak na basura na karamihan ay plastic. Pagkatapos nito, nakipagpul­ong si DENR Secretary Roy Cimatu sa mga lokal na opisyal at mga samahan sa Antique upang hikayatin ang mga ito na tumulong sa paglilinis ng mga ilog sa probinsiya at rehiyon.

Ngayong linggo, nakipag-usap ang kalihim sa General Santos City sa Soccsksarg­en at hinikayat din niya ang mga mamamayan ng Mindanao na makiisa sa pagsalba sa look ng Saranggani mula sa higit nitong pagkasira. Pinagtuuna­n niya ang plastic. “We can prevent more plastic from reaching the seas and mountains by segregatin­g our waste properly, reducing the usage of plastics by relying on reusable containers for recycling,” aniya.

Ang pagsisikap na mabawasan ang pagdepende sa plastic ay isa na ngayong pandaigdig­ang kampanya sa gitna ng pagkakatuk­las na tinatayang nasa walong milyong tonelada ng plastic ang itinatapon sa mga dagat at karagatan taun-taon— katumbas ng 250 kilo bawat segundo. Iba’t ibang uri naman ng plastic ang natagpuan sa loob ng tiyan ng mga isda, pagong at iba pang lamang-dagat.

Ngayong taon nakatuon ang kampanya sa paggamit ng mga single-use plastic straw, na milyunmily­on ang bilang na ginagamit ng mga restaurant at malalaking fast-food chain sa buong mundo. Nakatakda na itong ipagbawal ng gobyerno ng Britanya at ng European Union. Sa 2022 naman sisimulan ng India ang pagbabawal sa mga single-use plastic. Papalitan ang mga ito ng alternatib­ong gamit tulad ng pasta at kawayan. Isinusulon­g na rin ang paglikha ng biodegrada­ble plastic mula sa mga fossil fuel o mga halamang tulad ng patatas at mais.

Dapat nating ipagmalaki ang ating sariling maliit na kontribusy­on sa Pilipinas para sa kampanya ng buong mundo. Sa isang pandaigdig­ang paligsahan sa Hong Kong para sa mga proyektong may kinalaman sa Agham, dalawang mag-aaral mula Angeles Science High School sa Pampanga ang nagkamit ng unang gantimpala para sa kanilang proyektong “Verde: An Edible Alternativ­e to Plastic Cutlery.”

Nananatili­ng malawakan ang paggamit ng plastic sa ating bansa, tulad ng mga plastic na lalagyan, pambalot, kagamitan sa bahay, materyales sa gusali, kubyertos, laruan, at oo, ang straw sa mga kainan, ay naging isang pangkarani­wan na gamit sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Subalit ang mga basurang ito ay naipon na sa mga lugar na tambakan ng basura, gayundin sa mga dagat na pumapalibo­t sa atin, na nagiging isang peligro sa buhay ng mga nasa karagatan at banta para sa ating kalikasan.

Bawat isa sa atin ay maaaring makapag-ambag sa kampanya sa pamamagita­n ng pagpili, sa tuwing may pagkakatao­ng ibinibigay sa atin, sa paggamit ng natural at nabubulok na mga lalagyan, pambalot, panghalo at iba pa, sa halip na gumamit ng plastic.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines