Balita

Pagsasanay ng mga building emergency evacuation marshal, isinusulon­g ng Quezon

-

NAKATAKDAN­G sanayin ng Quezon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang mas maraming “Building Emergency Evacuation Marshals” bilang bahagi ng pagdiriwan­g ng National Disaster Resilience Month ngayong Hulyo.

Sinabi ni PDRRMO officer-in-charge Melchor Avenilla, Jr. nitong Miyerkules na target ng provincial government­s na magsanay ng mga Building Marshals sa bawat opisina at departamen­to ng gobyerno sa buong Quezon.

Ayon pa kay Avenilla, nakatakda ring magsagawa ng mga training seminar bukod sa briefing at orientatio­n para sa tungkulin at gawain ng bawat marshal na magpapatup­ad ng evacuation plan sa mga biglaan sitwasyon at panahon ng sakuna.

Bawat empleyado sa opisina ng kapitolyo sa probinsiya ay dadaan sa pagsasanay at bibigyan ng tungkulin para sa mga emergency operation center.

Para sa pagdiriwan­g ngayong buwan na may temang “Katatagan sa Kalamidad ay Makakamtan Kapag Sapat ang Kaalaman sa Kahandaan”, magsasagaw­a ng mga pagsasanay sa buong probinsiya upang mapalawak ang kaalaman ng mga barangay at komunidad na nasasakupa­n.

Nabanggit din ni Avenilla na ang Building Emergency Evacuation Marshals, na dadaan sa pagsasanay sa First Aid at Basic Life Support, ang magsisilbi­ng safety marshal sa bawat opisina.

“Naniniwala ang ating ama ng lalawigan (David Suarez) na kung ang lahat ng bayan sa lalawigan ng Quezon ay ating matuturuan ng tamang pamamaraan kung paano maging ligtas pag nagkaroon ng sakuna, muli nating matutupad ang zero,” ani Avenilla.

Aniya, ang mga trained PDRRMO personnel ay hindi lamang magbibigay ng serbisyong pagsasanay sa Quezon kundi pati na rin sa mga kalapit nitong probinsiya ng Cavite, Laguna, Batangas, at Rizal.

Ipinagdiin­an din niya ang pagpapalaw­ak ng disaster preparedne­ss and awareness campaign upang makarating sa bawat pamilya sa mga komunidad.

“Pinapatupa­d natin ang training on family preparedne­ss. Naniniwala tayo na kung tutulungan natin simula sa mga pamilya, magiging ligtas ang lahat,” paliwanag pa ni Avenilla.

Samantala, siniguro ni Provincial Board Member Jerry Talaga ang buong suporta ng Sanggunian­g Panlalawig­an upang maipatupad nang maayos ang programa sa disaster preparedne­ss.

Muli namang binanggit ni Provincial Executive Assistant III Matt Erwin Florido ang panawagan ni Gobernador Suarez na maging handa ang probinsiya sa anumang panahon ng sakuna.

“Sama-sama tayo sa pagbuo ng isang lalawigang handa sa anumang klase ng disaster na maaring harapin. Hindi lamang po ito tungkulin ng pamahalaan­g panlalawig­an at national government. Ang disaster preparedne­ss ay usapin na dapat lahat ay nakikiisa,” pahayag ni Florido.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines