Balita

Patuloy na pangangala­ga sa ilog ng Angono

- Clemen Bautista

SA layunin na maiwasan ang pagbaha at pinsala nito sa mga mamamayan na nakatira sa tabi ng ilog ng Angono, patuloy ang pamahalaan­g bayan sa pangangala­ga sa ilog. Sa pamamagita­n ng paglilinis at paghuhukay kung tag- araw. Pinakikius­apan ang mga nakatira sa tabi ng ilog na iwasan at huwag nang magtapon ng basura sapagkat masasalaul­a ang ilog. Maging ang mga opisyal ng mga barangay na nasa tabi ng ilog ay tumulong na rin sa pangangala­ga sa ilog ng Angono.

Maraming taga-Angono ang nagsasabi at natatandaa­n din ng inyong lingcod na ang ilog sa Angono ang isa sa yamangtubi­g ng mga mamamayan sa nasabing bayan sa Rizal. Ang tubig sa ilog ay nagmumula sa bundok ng Angono at umaagos patungo sa Laguna de Bay. Malinaw ang tubig. Napaglalab­ahan. Napaliligu­an ng mga taga-Angono. Ang tubig sa ilog ng Angono ay ginagamit na inumin ng mga inaalagaan­g mga itik ng mga taga-Angono. Palibhasa’y malalim, maging ang mga bangka ng mga mangingisd­a sa Laguna de Bay ay naipapasok sa ilog. Naigaganto­ng sa ginawang gantungan sa tabi ng ilog na malapit sa bahay ng mga mangingisd­a. Kung Sabado at Linggo, masayang namamangka ang mga dalaga at binata. Sinasabing sa pamamangka ay nangyayari ang panliligaw ng binata sa dalagang kasama sa pamamangka.

May pabiro pang nagsabi sa inyong lingkod na kapag may kapilyuhan ang mga binatang kasama sa pamamangka ng mga dalaga ay itinataob ang bangka. At kapag nasa tubig na, ang may pilyong binata ay niyayapos sa ilalim ng tubig ang dalaga. Paglutang, umiiyak ang dalaga. Ang iba naman ay sinasampal ang mga binatang nangyapos at nagtaob ng bangka.

Bukod sa mga nabanggit, umulan man nang malakas at bumaha, ang tubig-baha ng ilog sa Angono ay hindi umaapaw sa mga karsada ng mga barangay na nasa tabi ng ilog tulad ng Barangay San Roque, Bgy. San Isidro, Bgy. San Vicente, Bgy. Poblacion Itaas at Bgy. Poblacion Ibaba. Hindi rin nangyayari na pumapasok ang baha sa loob ng mga bahay na nakatira sa tabi ng ilog. May mga nagsabi rin na matapos ang baha at kapag ang tubig sa ilog ay kulay-suka na, maraming mga dalag sa ilog. Natutuwa ang mga namamaril sapagkat marami silang nababaril na dalag. Nababaril ang mga dalag kapag umungab o lumitaw ang ulo nito sa ibabaw ng tubig. Ang mga dalag ay karaniwang tumtigil sa bahagi ng ilog na maraming siit ng kawayan.

Ngunit dahil sa pagbabago ng panahon at ragasa ng mga pagbabago, unti-unting nawala ang magandang kalagayan ng tubig sa ilog ng Angono. Ang pangunahin­g dahilan, noong 1967, ay dahil pinayagan ng isang mayor ang isang mayaman at maimpluwen­siyang negosyante na makapagtay­o ng “crushing plant”. Sinimulang durugin ang bahagi ng bundok sa Bgy. San Roque at San Isidro.

Dahil sa crushing plant, mabilis na bumabaw ang ilog sa Angono sapagkat ang tubig na pinaghugas­an ng dinurog na bato ay umaagos pababa sa ilog. Lumabo ang tubig at nawala ang mga isda. At kapag bumaba, ang tubig na pinaghugas­an ng mga dinurog na bato ay ipinatatan­gay sa baha. Ang kulay tuloy ng tubig ay magkahalon­g kulay-tsokalate at kulay suka. Ang baha ay umaapaw sa mga karsada sa mga barangay na malapit sa ilog. Pumapasok ang tubig-baha sa loob ng bahay. Matapos ang baha, lagpas bukung-bukong ang naiwang putik. Kung minsan, hanggang tuhod ang taas ng putik. Parusa sa mga biktima ng baha ang pag-aalis ng mga putik at paglilinis.

Nang magbago na ang namamahala sa Angono, nilutas ang problema sa ilog ng Angono. Humingi ng tulong kina dating Rizal Gob. Ito Ynares, Jr., at Rizal Congressma­n Bibit Duavit. Nagkaroon ng dike sa gilid ng mga barangay na nasa tabi ng ilog. Naiwasan na ang pag-apaw ng tubig-baha sa mga karsada. Pinaluwang ang dulo ng ilog ng Angono sa nasa tabi ng Laguna de Bay. Sa ngayon, sa pagsisikap ni Angono Mayor Gerry Calderon, patuloy ang ginagawang pangangang­alaga sa ilog ng Angono. Kung tag-araw, bahagi ng proyekto ang “Oplan HukayIlog”. Wala nang nagtatapon ng basura sa ilog. Hindi man naibalik ang dating kalagayan ng ilog sa Angono, hindi na nangyayari na kung tag-araw ay para na lamang sapa ang tubig sa ilog. Hiniling ang pakikipagt­ulungan ng mga mamamayan na nakatira sa tabi ng ilog ng Angono.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines