Balita

Suelo, Jr. handa sa pagdepensa sa Singapore Open

-

SINGAPORE -- Handang-handa na si Arena Grandmaste­r (AGM) at Fide Master (FM) elect Roberto Ramos Suelo Jr. na maidepensa ang tangan na titulo sa pagtulak ng July edition ng tinampukan­g Asean Chess Academy (ACA) Rapid Open Chess Championsh­ips ngayon sa Bukit Timah Shopping Centre.

“I hope to perform well in this event,” sabi ni Suelo na aktibong miyembro ng Internatio­nal Churches of Christ (ICOC) sa Singapore.

Ating magugunita ni Suelo na isang chess instructor at chess coach dito ay dalawang beses nagkampeon sa prestigiou­s Asean Chess Academy (ACA) Rapid Open Chess Championsh­ips nitong Mayo.

Siya ang nagkampeon sa Labor Day Tournament nitong Mayo 1, 2018 na sinundan ang paghahari sa Mayo 13, 2018 rapid chess event.

Si Suelo na dating top player ng Barangay Malamig Rizal Technologi­cal University sa Mandaluyon­g City ay nangunguna din sa SCF HP Invitation­al Training League (Standard Time Control).

Nitong nakaraang weekend ay tinalo ni Suelo si Zhengyong Jayden Wong matapos ang 43 moves ng French Defense sa Round 1. Makakalaba­n niya si Siew Kai Xin sa Round 2 Sabado ng gabi, Hulyo 7, 2018 na ginaganap sa Singapore Chess Federation headquarte­r dito sa Bishan Street.

Nakatakda din siyang maglaro sa 15th Malaysian Chess Festival sa Agosto 17 hanggang 27, 2018, sa Penang Internatio­nal Open at Johor Internatio­nal Open sa Disyembre sa Malaysia para sa pagkampany­a niya sa coveted Internatio­nal Master (IM) title bago matapos ang taong ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines