Balita

Nangibabaw ang lupit ng Gin Kings

-

HINDI na kailangan manalo, ngunit siniguro ng Brgy. Ginebra na walang sabit ang kanilang pag-usad sa susunod na round.

Dinurog ng Gin Kings ang Globalport nitong Biyernes, 11698, sa 2018 PBA Commission­er’s Cup sa Cuneta Astrodome.

Sigurado na ang Gin Kings na makausad sa quarterfin­als matapos magwagi ang Alaska sa Phoenix, ngunit hindi nagtira ng pagkakatao­n ang Ginebra para makapasok sa playoffs tangan ang five-game winning streak para sa 6-5 karta.

Halos, masisibak na ang Ginebra tangan ang 1-5 karta, bago ang ratsada na nagbigay katiyakan sa kanila sa susunod na round.

“I thought we scored well, we hit shots but I thought we created a lot of offense off our defense,” pahayag ni head coach Tim Cone.

“That’s what we’re trying to do for the last five games,” aniya.

Maagang humataw ang Gin Kings para sa 81-58 bentahe sa second half.

Nanguna si Justin Brownlee sa naiskor na 36 puntos at 11 rebounds, habang kumana si Japeth Aguilar ng 16 puntos at tumipa si Scottie Thompson ng triple-double -- 10 puntos, 10 rebounds, at 11 assists.

Bumagsak ang The Batang Pier sa 5-6para sa twice-to-beat disadvanta­ge sa quarterfin­als. Nanguna si Malcolm White na may 19 puntos. Iskor: Ginebra (116): 36, Aguilar 19, Devance 16, Tenorio 11, Thompson 10, Slaughter 8, Ferrer 4, Chan 4, Mercado 3, Cruz 3, Caguioa 2, Manuel 0, Caperal 0, Mariano 0

GlobalPort (98): White 19, Tautuaa 15, Pringle 14, Anthony 14, Taha 10, Grey 6, Espinas 6, Elorde 4, Guinto 4, Teng 3, Arana 3, Javelona 0, Flores 0

Quarter scores: 30-25, 58-45, 88-72, 116-98

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines