ARNISTADOR!
PEKAF National Championships: Zubiri, hinikayat ang Pinoy na linangin ang arnis
HINIMOK ni Senator Juan Miguel ‘Migs’ Zubiri na linangin at pagyamanin ang sariling atin – kabilang ang arnis bilang pangunahing martial arts sports hindi lamang sa bansa bagkus sa buong mundo.
Ayon kay Zubiri, pangulo at chairman ng Philippine Eskrima Kali Arnis Federation (PEKAF), ilang mga bansa ang pilit na umaangkin sa arnis bilang martial arts na discipline na nagmula sa kanila bunsod na rin nang mahabang panahong kapabayaan para pagyamanin ang sports.
“Ito ang masakit na katotohanan na kailangan nating ayusin. Ipagmalakinatin na sa Pilipinas nagsimula ang arnis at ito ang sports at pamamaraan ng pakikipaglaban n gating mga ninuno,” pahayag ni Zubiri, three-time National Arnis champion at one-time World Champion.
“The first Filipino warrior who fought and won against the foreign invaders used kali and eskrima style of discipline. Kailangan natin kumilis at kami sa PEKAF ay gumagawa ng paraan para mapagkaisa ang lahay ng organisasyion, club at grupo na may kaugnayan sa kali, arnis at eskrima. We need to unite,” panawagan ni Zubiri sa media conference bago ang pagbubukas ng National PEKAF Championship kahapon sa Le Pavillion sa Pasay City.
Kabuuang 160 arnis practitioner – pawang medalist sa ginanap na regional qualifying – ang sumabak sa torneo kung saan nakataya ang slots para sa binubuong National Training Pool ng PEKAF na ihahanda para sa Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa Agosto ng 2019.
“This is the Battle of Champions. The best of the best in Philippine arnis, kali and eskrima are here to compete for the National Team slots,” ayon kay Zubiri.
Hinamon rin ni Zubiri ang mga atleta na magsanay ng mabuti upang maabot ang high-level ng competitiveness.
“Noon kayang kaya natin ang mga kalaban. Hindi na ngayon, The European, the Americans and even the Middle Eastern are very competitive plus factor pa yung kanilanbg mga height. Kung hindi tayo magsasanay ng husto, mapagiiwanan tayo,” aniya.
Para higit na buhayin ang loob ng mga atleta, sinabi ni Zubiri na handa siyang magbitiw sa tungkulin kung mabibigo ang atletang Pinoy na maghari sa SEA Games.
“Itataya ko na ang posisyon ko. Yan ang pangako ko sa Philippine Sports Commission at POC. Malaki ang tiwala ko sa ating mga atleta at kung mabibigyan pa sila ng dagdag na kaalaman at pagsasanay, tiyak kong aangat muli ang arnis sa bansa at kikilalanin tayong muli sa abroad,” pahayag ni Zubiri.
Sa kasalukuyan, isinasaayos na rin ng PEKAF ang pagkakaroon ng handbook kung saan nakasaad ang standard rules and regulation na siyang susundin sa bansa at sa international community.
“Ito ang tanging paraan para tanggapin ang arnis sa Olympics kahit demo sports lang muna,” ayon kay Zubiri.
“We have declared that arnis is our national martial art and sport, let’s claim it in the international theater of the Olympics. I’m confident that our sports combatants here will dominate the Asian continent. First, SouthEast Asia then all of Asia.
Arnis is part of our history as a proud people who have fought off colonizers. Arnis, also called kali & eskrima is recognized as a complete martial art. The police in Europe, including the Scotland Yard and Russians employ arnis as basic selfdefense and peace and order tactic. Our police and military recognize the efficacy of arnis that’s why many fighting here are real combatants mostly from the Philippine Army,” aniya.