Balita

6 inasunto sa onion smuggling

- Ni MINA NAVARRO

Anim na umano’y smuggler na responsabl­e sa pagpupusli­t ng multi-milyong halaga ng sibuyas at sigarilyo sa bansa ang kinasuhan ng Bureau of Customs (BoC).

Kabilang sa kinasuhan ay sina Joseph Martin Arriesgado, mayari ng EAJM Enterprise­s; Manilou Hernandez, may-ari ng Buensuceso Enterprise; at ang broker nito na si Lorenz Mangaliman; Arvin Tugadi, may-ari ng Epitome Internatio­nal Trading; Mark David Villanueva, may-ari ng Madrid Industrial Marketing; at ang broker nito na si Carme Ann Rollon.

Sina Arriesgado, Hernandez, Mangaliman at Tugadi ay kinasuhan sa Department of Justice (DoJ) dahil sa paglabag sa Section 1400 at Section 1401 ng Republic Act No. 10863 o Customizat­ion Modernizat­ion and Tariff Act (CMTA) na may kaugnayan sa Republic Act No. 10845 (AntiAgricu­ltural Smuggling Act of 2016).

Habang sina Villanueva at Rollon ay kinasuhan naman ng paglabag sa Section 1401 at Section 1403 ng CMTA.

Binanggit ni BoC Commission­er Isidro Lapeña na sina Arriesgado, Hernandez, Mangaliman at Tugadi ay sangkot sa ilegal na pag-aangkat ng sibuyas, na nagkakahal­aga ng P11,109,874.52, na dumating sa Manila Internatio­nal Container Port (MICP) nitong Abril.

Nag-ugat ang usapin nang magsagawa ng surprise spot checking sina Department of Agricultur­e (DA) Secretary Emmanuel Piñol at Lapeña sa 6x40 na mga container van na naunang idineklara­ng naglalaman ng mga mansanas.

Nang buksan, nadiskubre­ng mga sibuyas ang laman ng mga ito.

Sa kaso nina Villanueva at Rollon, natuklasan­g sila ang nasa likod ng pagaangkat at pagpupusli­t ng sigarilyo na nagkakahal­aga ng P26,650, 393.70 na nauna nang idineklara­ng mga industrial fur texture.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines