Balita

‘NPA member’ nangotong sa pulis

- Mary Ann Santiago

Isang lalaking umano’y nagpapakil­alang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nadakip ng mga pulis sa isang entrapment operation matapos na ireklamo ng extortion ng isang pulis sa Sta. Elena, Marikina City, nitong Biyernes ng gabi.

Kinukumpir­ma pa ng mga tauhan ng Marikina City Police kung tunay ngang miyembro ng NPA si Lito Evangelist­a, 38 anyos.

Batay sa ulat ng Marikina Police sa tanggapan ni Senior Supt. Bernabe Balba, director ng Eastern Police District (EPD), nabatid na dakong 9:30 ng gabi nang maaresto ang suspek ng mga tauhan ng Police Community Precinct 7, sa pamumuno ni SPO4 Rowel Goral, batay sa reklamo ng kanilang kasamahan na si PO2 Alan Ambona.

Nauna rito, tinawagan at itinext umano ng suspek si PO2 Ambona, na nakatalaga sa PCP 7 ng Marikina City Police.

Nagpakilal­a umanong miyembro ng NPA ang suspek at hinihingia­n ng P3,000 ang biktima. Binantaan pa umano ng suspek si PO2 Ambona na papatayin at susunugin ang kanyang UV Express, kung hindi ipapadala sa kanya ang hinihingin­g pera sa pamamagita­n ng Smart Padala.

Sa halip namang sumunod, inireklamo ng biktima sa kanyang mga kasamahan ang extortion activities at nagkasa ng isang entrapment operation.

Nagpadala ng P100 ang biktima sa suspek gamit ang account number na ibinigay ng suspek, na agad namang naberipika na nakarehist­ro sa Marikina Public Market, sa Sta. Elena, kaya natunton ng mga pulis ang suspek.

Tinawagan naman ng biktima ang teller na nagmamay-ari ng Smart Padala account number at kinutsaba na i-delay ang anumang transaksiy­on na gagawin sa halagang kanyang ipinadala.

Nahaharap ang suspek sa mga kasong extortion at grave threat.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines