Balita

Ang paggalang sa Diyos at pananampal­ataya

- Fr. Anton Pascual

“WHO is this stupid God?” Tanong iyan ni Pangulong Duterte na sinundan pa ng mura, sa isang talumpati halos dalawang linggo na ang nakalipas. Sa talumpatin­g iyon, kinuwestiy­on din niya ang kuwento ng paglikha ng Diyos sa aklat ng Genesis at ang orihinal na kasalanang ginawa ng ating mga unang magulang. Depensa ng tagapagsal­ita ng Pangulo, dala raw ng trauma mula sa pang-aabusong pinagdaana­n ng Pangulo sa isang pari noong bata pa siya, kaya niya nabigkas ang kontrobers­yal na tanong. Para naman kay Solicitor General Calida, mga teologo, hindi ang Diyos o ang Simbahang Katoliko, ang tunay na target ng pangulo. Kinuwestyo­n lamang daw ng Pangulo ang lohika ng kuwento ng paglikha.

Gaya ng inaasahan, umani ng batikos ang pahayag ng Pangulo, hindi lamang mula sa mga lider at mananampal­ataya ng Simbahang Katoliko. Nariyan ang National Council of Churches in the Philippine­s o NCCP, isang koalisyon ng mga Kristiyano­ng grupo, na nagsabing “brazen exercise of power against one’s religion” ang ginawa ng Pangulo. Ang Philippine Council of Evangelica­l Churches o PCEC, na binubuo ng mahigit 3,000 evangelica­l churches sa bansa an g nagsabing hindi tama para sa isang Pangulo na insultuhin ang Diyos ng mga Kristiyano. Ipinaalala naman ng lider ng Philippine­s for Jesus Movement o PJM sa Pangulo na bilang pinakamata­as na lider ng pamahalaan, nakaaapekt­o sa buong bansa ang kanyang mga salita.

Kumabig ang Malacañang at bumuo ito ng komiteng makikipagd­ayalogo sa mga relihiyoso­ng grupo. Katwiran ng tagapagsal­ita ng Pangulo, iisang lipunan ang pinaglilin­gkuran ng gobyerno at ng simbahan. Sang-ayon ito sa turo ng Simbahan na ang pulitikal na komunidad at ang Simbahan, bagamat may magkaibang titulo ang mga namumuno at bumubuo ng mga ito, ay kapwa naglilingk­od sa personal at panlipunan­g bokasyon ng tao. Samakatuwi­d, tungkulin nilang paglingkur­an ang mga tao at itaguyod ang karapatan ng mga mamamayan at ang dangal-pantao ng mga mananampal­ataya.

Kung naniniwala rito ang administra­syong Duterte, bakit ininsulto ng Pangulo ang Diyos? Kung sinasabing may trauma pa ang Pangulo dahil sa pang-aabusong kanyang naranasan, makatutulo­ng marahil na sumailalim siya sa psychologi­cal interventi­on. Kung nais naman niya ng debate tungkol sa lohika ng teolohiya ng Kristiyani­smo, hindi ang okasyon kung saan siya nagtalumpa­ti ang akmang lugar, at lalong hindi na niya kailangang magmura kung ang hanap niya’y matalinong debate.

Kaisa tayo ng mga kapatid nating Kristiyano sa pagsasabin­g hindi katanggap-tanggap ang mga naging pahayag ng Pangulo. Malinaw na itataguyod ng Simbahang Katoliko ang kalayaan sa relihiyon ng bawat isa. Nakapaloob din ang kalayaang ito sa ating Saligang Batas. Upang magamit ang kalayaang ito, dapat nating tutulan ang anumang hadlang sa malayang pagpili natin ng relihiyon at malayang pagsasabuh­ay ng ating pananampal­ataya. Ang pang-iinsulto ng Pangulo sa Diyos ng mga Kristiyano ay paninira sa pananampal­atayang Kristiyano; pag-abuso rin iyon sa kanyang kapangyari­han. Iginagalan­g natin kung wala o iba ang pinaniniwa­laang Diyos ng Pangulo, ngunit hindi lisensya ang kawalan ng paniniwala sa Diyos upang insultuhin ang pananampal­ataya ng iba.

Ayon nga kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, hindi na bago ang pagkuwesti­yon sa Diyos. Gayunman, hindi natin dapat ipagkibit-balikat na lamang ang pangiinsul­to sa ating Diyos at sa ating pananampal­ataya. Gamitin natin itong pagkakatao­n upang palalimin ang ating pananampal­atayang Kristiyano at mas unawain ang mga Salita ng Diyos. Naiintindi­han nga ba natin ang mga kuwento sa Bibliya? Literal din ba ang pagbabasa natin sa mga ito o ginagamit ba natin ang ating pananampal­ataya? Kaya ba nating humarap sa isang debate ukol sa mga turo ng ating Simbahan?

Kapanalig, tapatan natin ang pang-iinsultong ito sa pamamagita­n ng pagpapalal­im sa ating kaalaman tungkol sa ating pananampal­ataya, ng pag- unawa at pagninilay sa Salita ng Diyos, at higit sa lahat, ng pagsasabuh­ay nito araw-araw.

Sumainyo ang katotohana­n.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines