Balita

Wala raw akong utang na loob—Sunshine

- Ni NORA V. CALDERON

BA CK si Sunshine Cruz sa GMA Network pagkatapos ng ilang taong pagtatraba­ho sa ibang network. She’s back sa bagong project na ibinigay sa kanya ng GMA 7, ang Kapag Nahati ang Puso.

Sa media conference sa Executive Lounger ng GMA, sinagot ni Sunshine ang tanong kung nagpaalam siya nang maayos sa dating network?

“Of course, I really thanked them (ABS-CBN) for all the good projects I had with them,” sagot ni Sunshine. “Pero hindi maaalis na may nang-bash sa akin. Wala raw akong utang na loob, wala raw akong loyalty.

“But I’m a working actress, so I just go where the work is. I feel so honoured that GMA-7 offered me Kapag Nahati Ang Puso. Kasi ang ganda ng role ko, very challengin­g. Dati, puro inaaping nanay ang role ko. Dito, magiging glamorosa ako dahil isa akong fashion designer.”

Si Sunshine ay si Rio Matias, a simple island beauty who meets the rich and happy- go-lucky Manila tourist Nico del Valle ( Zoren Legaspi). Na-

in love siya kay Nico, na bumalik din ng Manila at naiwanan si Rio na preggy. Gusto man ni Rio na ipaalam kay Nico ang nangyari sa kanila, hindi siya pinayagan ng girlfriend nitong si Miranda ( Bing Loyzaga).

May twist kaagad ang story nang sa isang bus accident, nawala ni Rio ang baby na isinilang niya sa bus at nakuha ito ni Nico, inampon at lumaki bilang si Claire ( Bea Binene).

“Marami pang mangyayari at malalaman ninyo kung paano kami nagkakilal­a ni Claire. Kung paano kami nagkaroon ng relasyon ni Joaquin ( Benjamin

Alves), na boyfriend naman pala ni Claire. At ang mga away na mamamagita­n sa amin ni Miranda,” kuwento ni Sunshine.

Nagkatawan­an nang may gustong magtanong ng personal questions sa aktres, pero hindi na ito sinagot ni Sunshine. Aniya, masaya ang presscon kaya hindi na dapat na magbanggit ng ibang tao. Sa July 16 na mapapanood ang Kapag Nahati Ang

Puso, 11:30am bago ang Eat Bulaga, sa direksiyon ni Gil Tejada.

Kasama pa rin sa cast sina David Licauco, Raquel Villavicen­cio, Robert Ortega, Sharmaine Santiago, Geleen Eugenio, Nar Cabico, at Freddie Webb in a special role.

 ??  ?? Sunshine
Sunshine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines