Balita

Hanggang gusto ng tao, ‘andyan ang ‘Probinsiya­no’—Coco

- Ni REGGEE BONOAN

SA presscon ng kanyang endorsemen­t kamakailan ay natanong si Coco Martin kung totoo ang napabalita na hanggang Pebrero 2019 pa ang FPJ’s Ang Probinsiya­no.

“Honestly, wala pa talagang definite kung kailan siya matatapos. Lagi ko ngang sinasagot na hanggang gusto pa siya ng manonood.

“Hindi ko masasabi kung hanggang 2019 o 2018. ‘Pag maramdaman na kasi namin siguro na wala nang kuwentong ibibigay, o hindi na siya gusto ng mga tao, kahit gustuhin pa namin wala na kaming magagawa. Kailangan na naming tapusin.

“Pero hanggang tinatangki­lik pa siya ng mga tao, may naibibigay pa kaming bagong kuwento, hanggang nakakapag-inspire pa kami ng mga tao, nandiyan pa rin ang

Probinsiya­no,” paliwanag ni Coco. Inamin din niyang ang patuloy na nakukuhang mataas na rating ng serye ang basehan niya bilang direktor, creative head, at aktor ng Ang Probinsiya­no.

“Definitely. Sabi ko nga ‘ yun ang nagpapasig­la sa ‘yo everyday, para malaman namin kung tamang direksiyon ba ‘yung ginagawa namin. Kasi sabi ko, lalo na ngayon, ayon, ang daming set of characters na pumasok, masok, bagong kuwento, may mga action stars na papasok. Ang laki ng bagong (yugto), napakahaba a pa ng tatakbuhin ng kuwento,” to,” sabi ni Coco.

Sinabi rin niyang g hindi pa sigurado ang napabalita abalita na ang seryeng Batang atang

Quiapo ang isusunod od ni Coco pagkatapos ng Ang Probinsiya­no.

“Ay hindi pa, wala pa. Kasi after ng Ang Probinsiya­no magpapahin­ga inga muna ako. At saka ko pag-iisipan kung ano ang ibibigay sa akin ng ABSCBN na proyekto na nakikita nila para sa akin,” sabi ni Coco.

 ??  ?? Coco
Coco

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines