Nakuhang 44.6% rating, pinakamataas sa kasaysayan
KANAS KASUNOD UTANTAOPDU snin ng lumutang na isyu na tatapusin na ang FPJ’s Ang Probinsiyano ni C Coco Martin ay lalo namang sumirit nang nan husto sa ratings game ang numero unong uno primetime series ng ABS-CBN. Na Nakapagtala ng pinakamataas pinaka na rating ang nabanggit naban na serye ni Coco. Nakakuha Nakak ito ng 44.6 percent, na sinasabing sin pinakamataas na nakamit na ng isang teleserye sa k kasaysayan ngayon ng nati national TV ratings. Kaya naman mas ganado ga ngayong magtrabaho ma ang buong staff ng Ang Probinsiyano. At ang latest lat ngayon, mukhang lalong lu lumabo na tatapusin na ang serye sery sa mga susunod na buwan. Banggit pa ng source naming, baka abutin pa ito ng hanggang 2019, o hanggang sa makatapos ang mid-term elections sa Mayo, huh!
Una nang naglabas ng official statement si ABS-CBN Integrated Corporate Communications Head Kane Errol Choa para itanggi ang napaulat na malapit nang tapusin ang Ang Probinsiyano.
Malabo rin daw mangyari ang napapabalita na kung hindi man ang Starla ni Judy Ann Santos ay ang The General’s Daughter ni Angel Locsin ang pumalit sa Ang Probinsiyano.
Dagdag pa ng source namin na mismong taga-Dreamscape, wala pa raw kasiguraduhan kung hanggang kailan mananatili sa ere ang Ang Probinsiyano.
Gayundin naman, walang ibinibigay na timeslot ang management ng Kapamilya network sa pareho nang nagte-taping na Starla at The General’s Daughter.