Balita

Alden at Maine, suportado ng fans sa kani-kanilang projects

- Nora V. Calderon

KINATUTUWA­AN ng mga netizens, lalo na ng mga fans nina Alden Richards at Maine Mendoza, ang mga bulilit na sidekick ng dalawa sa mga projects na ginagawa ng dating AlDub love team— pareho kasing cute at chubby ang kanilang mga sidekicks.

Mapapanood uli si Maine ngayong Linggo sa serye ng special episodes ng Daig Kayo ng Lola Ko, ang “The Adventures of Laura Patola and Duwen-ding”. Si Maine si Laura Patola at ang sidekick niyang si Duwen-ding ay ang five-year old na si Baeby Baste.

This Sunday, 6:55pm, ay mapapanood na ang part two ng nasabing episode. Hahanapin ng dalawa ang duwende cap niya na nakuha ni Lucho Ayala. May power ang cap, dahil ang nagsusuot nito ay nagiging invisible kaya nahirapan si Laura na hanapin ang karakter ni Lucho para bawiin ang cap. Si Duwen-ding lang ang makakakita kung sino ang nagsusuot ng kanyang cap, at tiyak na riot ito kapag nahuli na siya ni Laura Patola.

Sa direksiyon ni Rico Gutierrez, guests din sa nasabing episode sina Tina Paner at Michael

Flores, na gumaganap na parents ni Laura Patola. Cute at chubby din si Yuan “Pao Pao” Francisco, na sidekick ni Alden sa kanyang coming actiondram­a- fantasy series na Victor Magtanggol. Magkasama nang nagpu-promote sina Alden at Yuan, bilang si Meloy. Una na silang nag-guest sa “Kapuso ArtisTamba­yan” last Thursday. Later that day, sa 24 Oras, ay ipinakita ang TV plugs ng mga bagong susubaybay­ang new shows ng GMA 7 ngayong July. Una ang The Clash— na nag-pilot na kahapon—pagkatapos ng Pepito Manaloto; ang Kapag Nahati Ang Puso, na magsisimul­a na sa July 16; at bago matapos ang July, ang Victor Magtanggol ni Alden. Sa teaser ng Victor Magtanggol, ipinakita si Victor (Alden) na nakikipagl­aban in his costume. Nasa teaser din sina Andrea Torres, Diana Zubiri, John Estrada, at si Yuan nga. Tampok din sa teaser si Coney Reyes, na gaganap na mother ni Victor.

Umani agad ng maraming views ang 0:38 second-teaser. Marami na ring nag-share kaya kumalat agad ito.

 ??  ?? Maine at Baste Pao Pao at Alden
Maine at Baste Pao Pao at Alden

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines