Balita

Acting ni Inah, pasado kay Gelli

MAGKAKASAM­A SA TELESERYE

- Nora V. Calderon

KABABALIK lang ni Gelli de Belen from Montreal, Canada, matapos nilang mag-attend ng asawang si Ariel Rivera ng high school graduation ng bunso nilang si Joaquin. Sa Montreal na nag-aral ng high school at college ang panganay nilang si Julio, at si Joaquin nga ay nagtapos na rin ng high school doon. Kaya back to work na si Gelli sa

Kapuso Network, kung saan ten years din siyang naging actress-host bago siya lumipat ng network. Kasama siya sa latest project ng GMA, ang afternoon prime drama series na Ika-5 Utos.

“I’m glad to be back in GMA, masayang muli kong makasama ang mga nakatrabah­o ko na noon,” sabi ni Gelli. “Nakakatuwa ang muli nilang pagwe-welcome sa akin. I feel at home with everybody, heart warming ang pagbati nila sa akin sa story conference pa lamang namin.”

Makakasama ni Gelli sa serye si Jean Garcia at ang kanyang niece na si Inah de Belen.

First time niyang makakasama si Inah kaya ayaw daw niyang i-pressure ang pamangkin, pero napapanood daw niya ito sa mga unang ginawa nito sa GMA 7, at pasado naman sa kanya ang acting ng anak ng ate niyang si Janice. Mukhang mabigat ang tema ng

Ika-5 Utos, na base sa Holy Bible ay “huwag kang papatay.”

Marami nang naghihinta­y sa Ika-5 Utos, dahil ididirek din ito ni Ms. Laurice Guillen, ang nagdirek ng longrunnin­g afternoon drama series na Ika-6 Na Utos, na pinagbidah­an nina Gabby

Concepcion at Sunshine Dizon.

 ??  ?? Inah
Inah
 ??  ?? Gelli
Gelli

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines