Balita

Chris Brown inaresto sa pambubugbo­g

-

ST. PETERSBURG, Florida (AP) — Katatapos lang mag- concert ni Chris Brown sa Florida nang arestuhin siya ng mga nagaabang na pulis dahil sa kaso ng pambubugbo­g, sangkot ang isang nightclub photograph­er, noong nakaraang taon.

Naglabas na detalye ang Tampa Police tungkol sa battery warrant nitong Biyernes makaraang magpiyansa si Chris ng $ 2,000 upang makalaya sa Palm Beach County Jail.

Sa warrant na inilabas, inaakushan si Chris ng pambubugbo­g kay Bennie Vines

Jr., na kinuhang photograph­er ng club para sa isang event noong 2017, kung saan host si Chris.

Sinabi ni Bennie na sinuntok siya ni Chris habang kumukuha siya ng mga larawan, ngunit nakaalis na umano ang singer nang dumating ang mga pulis. Tumangging magpagamot si Bennie, ngunit nais umano nitong magsampa ng kaso dahil sa tinamong sugat sa labi. Nasa gitna ng kanyang Heartbreak On

A Full Moon tour ang sikat na singer at nakatakda sanang mag-perform sa Tampa nitong Biyernes ng gabi.

Hindi ito ang unang beses na nasangkot sa kaso ang singer. Noong 2009 umaming guilty si Chris sa kasong felony assault sa kanyang ex-girlfriend na si Rihanna. Taong 2015 ng makumpleto niya ang probation sa kaso.

Taong 2013 naman nang kasuhan si Brown ng misdemeano­r assault, nang suntukin umano niya ang isang lalaki sa labas ng Washington, D.C., hotel.

Matapos dumaan sa rehab, inakusahan pa si Chris ng pambabato sa sasakyan ng kanyang ina. Habang nitong Enero, kinumpiska ng California fish and wildlife agents ang alagang capuchin monkey ni Chris, matapos kumalat ang larawan nitong ipinost sa Instagram kung saan yakap ng kanyang tatlong taon na anak na si Royalty, ang isang alagang unggoy.

Ayon sa agent, maaari umanong kasuhan si Chris ng misdemeano­ur na maaaring makulong ng anim na buwan dahil sa kawalan ng permit sa pag-aalaga.

 ??  ?? Chris
Chris

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines