Balita

Logan Paul gumawa ng dokyu

TUNGKOL SA SARILING KONTROBERS­IYA

-

PINATUNAYA­N lamang ni Logan Paul na hindi maaaring mapigilan ng isang malaking pagkakamal­i ang pagnanais ng isang tao na gawin ang passion nito.

Sa kanyang YouTube clip na inilabas nitong Miyerkules, inihayag ni Logan na gumagawa siya ng isang dokumentar­yo tungkol sa mga kaganapan sa kanya ngayong taon.

Binatikos si Logan, lalo na online, nitong Enero nang mag-post siya ng vlog kung saan kinunan niya, kasama ang kanyang mga kaibigan, ang isang bangkay sa Aokigahara forest Japan, na tinatawag na Suicide Forest.

Bukod sa nilalaman ng kanyang video, binatikos din si Logan dahil sa kanyang inasal at reaksiyon nang makita ang bangkay. Tinangka niyang pigilan ang pagtawa, at nagbiro pa siya tungkol dito.

Ilang beses namang humingi ng paumanhin si Logan sa kanyang fans. Nag-upload din siya ng video tungkol sa suicide awareness. Gayundin, mapapanood sa dokumentar­yo ang kanyang mga ginawa para makaahon sa nasabing trahedya. Bumalik si Paul sa kanyang high school days at binisita ang kanyang wrestling team, sa kanyang bayang sinilangan, sa Ohio para magbigay ng life advice. “Kids nowadays need inspiratio­n,” aniya. “They need people to look up to, people to motivate them.” Inihayag ni Logan ang kanyang upcoming boxing match kalaban ang kapwa YouTuber na si KSI sa Agosto sa Manchester Arena, kasama ang kanyang kapatid na si Jake Paul, na kakalabin naman si vlogger Deiji sa kaparehas na event.

 ??  ?? Logan
Logan

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines