Balita

‘Gundam’ live-action movie, ikinakasa

-

MAGSASANIB- PUWERSA ang Legendary at Sunrise para gumawa ng live-action film version ng Gundam giant robot ng Sunrise.

Ang pelikula ay inihayag ng mga nabanggit na kumpanya nitong Huwebes sa Animé Expo sa Los Angeles. Ang property ay nilikha noong 1979 at mayroon nang televised animé, manga, animated films, video games, laruan at mga nobela.

Ang set ng original Gundam series ay sa era kung saan ang patuloy na lumalaking populasyon sa mundo ang naging sanhi para lumipat ang mga tao sa mga space colony. Kalaunan, naghanap naman ang mga nakatira sa colony ng sariling kapangyari­han, at naglunsad ng giyera para makalaya laban sa mga taong naniniraha­n sa Earth.

Si Cale Boyter ang mangunguna sa paggawa ng pelikula on behalf ng Legendary at Sunrise creative team. Wala pang mga aktor, manunulat o mga direktor ang nasabing pelikula.

Inihayag ng Legendary noong Hunyo 28 na isinarado nito ang $ 1 billion revolving credit facility na pinamumunu­an ni J.P. Morgan. Ipalalabas na ang Skyscraper, ng Legendary, na pinagbibid­ahan ni Dwayne Johnson, sa Hulyo 13. Katuwang din ang kumpanya sa post-production ng Godzilla: King of the Monsters at Detective Pikachu. May co-financing din ito sa Jurassic World: Fallen Kingdom at sa upcoming films na Mortal Engines, Mamma Mia! Here We Go Again, at BlacKkKlan­sman. Gayundin, isinapubli­ko rin ng Legendary na gumagawa ito ng pelikula batay sa dystopian comic series ni Marguerite Bennett, ang Animosity, ulat ng Variety.

 ??  ?? Gundam
Gundam

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines