Balita

Parker, nilayasan ang Spurs; Lavine, may offer sa Hornets

-

SAN ANTONIO (AP) – Matapos ang 17 season na samahan na nagresulta ng apat na NBA title, naghiwalay ng landas si Tony Parker at ang San Antonio Spurs.

Ayon sa source na may direktang kinalaman sa usapin, tinanggap ni Parker ang alok na dalawang kontra na nagkakahal­aga ng US$10 million sa Charlotte Hornets. Tumanggi ang source na pabangit ang pangalan habang hindi pa nalalagdaa­n ang kontra.

Naagaw kay Parker lang starting role sa kampanya ng Spurs sa nakalipas na season. Makakasama niyang muli sa kampo ng Hornets si dating Spurs assistant James Borrego, itinalagan­g bagong head coach para sa pagbubukas ng season.

Naitala ni Parker ang averaged career-lows na 7.7 puntos at 19.5 minuto sa nakalipas na seaso.. Ang six-time All-Star ay No.4 all-time scorer sa Spurs.

Bahagi siya sa 137 playoff wins ni Spurs coach Gregg Popovich, ikalawang pinakamara­ming panalo ng isang coach sa kasaysayan ng NBA. Nakasama rin si Parker sa 17 sunod na pagsabak sa postseason. Tangingh sina Karl Malone at John Stockton ang mya pinakmaram­ing pagkakatao­n na naglaro sa playoff sa 19 season.

Sa Chicago, tinanggap ni Zach LaVine ang offer sheet na nagkakahal­aga ng US$80 million sa loob ng apat na taon sa Sacramento Kings.

Kinumpirma ng isang source na may direktang kinalaman sa usapin ang kaganapan sa Associated Press.

May hanggang 48 oras ang Bulls para tapatan ang naturang offer para sa restricted free agent.

Hindi nakalaro si LaVine sa 91 ng 162 laro sa Bulls sa nakalipas na season kung saan naitala niya ang averaged 16.7 puntos.

 ??  ?? Tony Parker
Tony Parker
 ??  ?? Zach LaVine
Zach LaVine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines